18 Pinoy kasambahay sa UAE, graduate na bilang social entrepreneur

18 Pinoy kasambahay sa UAE, graduate na bilang social entrepreneur

- Ilang mga Pinoy sa United Arab Emirates ang natupad ang kanilang mga pangarap na makapagtapos ng pag-aaral

- 18 na kasambahay sa UAE ang natapos ang Leadership and Social Entrepreneurship noong ika-25 ng Oktubre

- Giit ng isang graduate na si Nora Torres, makakatulong ang edukasyon niya hindi lang para sa kanya, ngunit para na rin sa pamilya niya

- Kasalukuyang nasa higit 3,000 na ang nakapagtapos ng LSE program mula sa iba’t-ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang mga Pinoy sa Dubai at Abu Dhabi ang nakapagtapos ng Ateneo School of Government’s Leadership and Social Entrepreneurship (LSE) program noong ika-25 ng Oktubre.

Nalaman ng KAMI na ang LSE ay isang six-month program kung saan layunin nito matulungan ang mga overseas Filipino workers (OFW) at maturuan sila ng leadership, financial literacy, and social entrepreneurship.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News (awtor Rachel Salinel), ang Pinay na si Nora Sinense Torres ay isa sa mga speaker noong graduation nila. Giit niya, ang kanyang mga natutunan sa programa ay makakatulong para sa kanya at para sa pamilya niya.

“My plan after this program is to apply all my learnings not only to myself but also to my family. I want to put up a business to help not only my family but also my community,” aniya.

18 Pinoy kasambahay sa UAE, graduate na bilang social entrepreneur

Photo from ABS-CBN News
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago makipagsapalaran sa ibang bansa, nagtrabo muna bilang accounting clerk sa Tarlac si Nora sa loob ng 10 taon.

Nagsimula ang LSE training program noong 2008 sa Rome, Italy. Hindi nagtagal ay tinanggap na rin ito sa Milan, Madrid, Hong King, Macau, at Singapore.

Mula noong 2013, nasa 39 na kasambahay na ang kumuha ng LSE program. Ang 15 sa mga ito ay nag-enroll sa Dubai at ang 24 naman ay sa Abu Dhabi. Ang tution fee ng mga Pinoy ay mula sa mga mababait na taong sinagot ito at saka mga maliliit at malalaking negosyo.

Kasalukuyang nasa higit 3,000 na ang nakapagtapos ng LSE mula sa 22 na lungsod sa 12 na iba’t-ibang bansa sa Europe, Middle East, at Asia.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel