GrabFood delivery man na sakay ng kanyang wheelchair, umani ng papuri mula sa netizens

GrabFood delivery man na sakay ng kanyang wheelchair, umani ng papuri mula sa netizens

- Viral ang post ng isang Pinoy sa Singapore na pinakita ang larawan ng GrabFood delivery man na sakay ng wheelchair

- May panggising ito na caption na sapul sa mga taong maraming hinaing at reklamo sa buhay

- Bukod sa nakaupo na ito sa wheelchair, mapapansin ding may edad na ang delivery man na ito

- Umani ng papuri ang empleyado na ito ng Grab at maging ang kompanya dahil sa binigyan pa rin ito ng pagkakataong makapag-hanapbuhay sa kabila ng kanyang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nakapansin sa napakasimpleng post ng isang Pinoy sa Singapore na may napakabigat na mensahe.

Binahagi ni Rolf Lester Cubillan ang larawan ng GrabFood delivery man na sakay ng wheelchair sa paghahatid ng order ng kanyang customers.

May caption itong "What's your excuse" na siyang pumukaw sa puso ng karamihan ng netizens.

Bukod kasi sa naka-wheelchair na ang delivery man, mapapansin ding may edad na rin ito.

May payong na lamang din siya na nakakabit sa kanyang wheelchair bilang pananggalang sainit man o sa ulan.

Nalaman ng KAMI na sa bansang Singapore ito nakunan ng larawan kung saan pinapayagan ang mga senior at PWD na magtrabaho pa rin kung kaya pa naman.

Sa sitwasyon ng delivery man na ito, senior na siya at PWD pa kaya naman kahanga-hangang tingnan na nagsusumikap pa siyang magtrabaho.

Marami ang humanga sa empleyado na ito ng Grab at maging sa kompanya kung saan ito nagtatrabaho dahil na rin sa pagbibigay pa rin ng trabaho sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, narito ang ilan sa mga positibong reaksyon ng mga netizens:

"Solid eh! Sana all magsumikap hanggang kaya"
"Ang strong nung message, nakak-inspire"
"Sana makita ito ng mga taong batugan o di kaya yung andaming hanash sa buhay"
"Dami kang issue teh? si manong nga o kayod to the max!"
"Nakakahanga na nakakaawa ingat po kayo palagi at sana maging mabuti rin ang mga magiging customers niyo po"

Kamakailan, nag-viral din ang GrabFood delivery woman na naglalakad lamang sa paghahatid ng orders ng kanyang customers. Una na itong naiulat ng KAMI.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel