Engineering board passer, nakaabot sa oath taking dahil sa "Angkas"

Engineering board passer, nakaabot sa oath taking dahil sa "Angkas"

- Nag-viral ang larawan ng isang Engineering board passer kung saan pinili niyang sumakay ng Angkas makaabot lang sa kanyang oath taking

- Binahagi ng Angkas sa kanilang Twitter page ang larawan ng bagong engineer na suot ang kanyang dress at high heels na sakay ng motor

- Natuwa rin ang netizens sa ginawa na ito ng board passer makaabot lang sa kanyang oath taking

- Di akalain ng engineer na ito na magiging viral ang kanyang larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa Twitter world ang UP engineering board passer na si Afia Yeboah kung saan nakunan siya ng larawan na sakay ng "Angkas."

Binahagi mismo ng Angkas ang larawan ni Afia na may caption na "Elsa on the way to save Arendelle."

Nagulat din mismo si Afia nang malamang viral na ang kanyang larawan kung saan nakasuot siya ng kanyang dress at high heels dahil dadalo siya noon ng kanyang oath taking.

Nalaman naman ng KAMI na humanga ang mga netizens sa ginawa na ito ni Afia. Pagpapakita lamang daw ito ng pagiging responsable ng bagong hirang na engineer.

Di alintana sa kanya ang kanyang suot, sumakay pa siya ng Angkas masiguro lamang na umabot siya sa panunumpa.

Laking pasalamat din ni Afiah sa Angkas dahil nakaabot naman siya sa oras ng kanyang oath taking.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa ginawa na ito ni Afia:

"Very good si atey, wag lang ma-late"
"I see a responsible girl here... Good job"
"Wow, makaabot lang sa oath taking"
"Thank you for your idea girl, magawa nga ito pag mali-late na kami keber sa dress at high heels"
"Slow cap for you! and congratulations to you engineer"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel