Babaeng na-trap at nasawi sa gumuhong gusali, nakapagtext pa sa pamilya

Babaeng na-trap at nasawi sa gumuhong gusali, nakapagtext pa sa pamilya

- Nakapagtext pa raw sa kanyang pamilya ang babaeng nasawi matapos ma-trap sa gumuhong gusali sa Davao del Sur

- Ayon sa ulat, ilang oras matapos ang lindol noong Linggo ay nakatanggap pa ng mensahe ang pamilya at mga kaibigan nito

- Napag-alamang isa ito sa mga empleyado ng Southern Trade grocery store na isa sa gumuho noong Linggo

- Natagpuan ang wala ng buhay na katawan nito malapit sa entrance ng South Green Commercial Building

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakapagtext pa raw ang isa sa mga nasawi sa pagguho ng isang gusali sa Davao del Sur matapos yanigin ng magnitude 6.9 na lindol ang lugar noong Linggo.

Base sa ulat ng Inquirer at Cebu Daily News, kinilala ang biktima na si Emily Gallegos, isa sa mga empleyado ng Southern Trade grocery store sa Padada town, Davao del Sur.

Sa kasamaang-palad hindi na nakalabas pa ng buhay si Gallegos.

Ayon sa ulat, ilang oras matapos ang lindol ay nakatanggap pa ng text message ang pamilya at mga kaibigan ni Gallegos bandang 4 a.m. noong Lunes.

Sinabi nitong na-trap ito sa loob ng gumuhong South Green Commercial Building kasama ang apat na iba pang customer ng nasabing gusali.

Ngunit nang magreply na ang mga ito kay Gallegos ay hindi na sila nakatanggap pa ng sagot mula rito.

Dahil sa mensahe ni Gallegos, humingi ng tulong si Mayor Pedro Caminero sa Davao City Rescue 911 upang ma-rescue ang mga na-trap sa lugar.

Natagpuan naman ang wala nang buhay na katawan ni Gallegos malapit sa entrance ng nasabing gusali, bandang 9:00 ng gabi noong Lunes.

Sa isa pang ulat ng KAMI, napag-alaman naman na gumagamit ang Davao Central 911 ng special equipment na maaaring maka-detect kung may 'signs of life' pa sa mga gusaling gumuho.

Pahirapan din ang pag-rescue sa mga biktima dahil sa mga sunod-sunod na aftershocks na naramdaman sa lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel