Unang beses ito: Mag-asawang street sweepers, emosyonal nang makatanggap ng pamasko

Unang beses ito: Mag-asawang street sweepers, emosyonal nang makatanggap ng pamasko

- Masaya ang mag-asawang street sweeper sa Kalibo nang makatanggap ng maagang pamasko

- Ito raw ang unang pagkakataon na makatanggap sila ng groceries at ilang kagamitang kailangan nga nila sa araw-araw

- Malaki ang pasasalamat nila sa Radio anchor na tumulong sa kanila dahil noong nakaraang taon, pera naman daw ang kanilang natanggap

- Napapansin daw ng radio anchor ang mag-asawang mag edad na na maaga pa lamang sinisimulan ang araw upang may maayos na kitain sa maghapon

- Bakas sa mukha ng mag-asawa ang kasiyahan sa tulong na naibigay sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na tinanggap ng mag-asawang street sweepers sa Kalibo ang pamasko sa kanila ng radio anchor ng Energy FM Kalibo na si Archie Hilario.

Kwento ni Archie sa kanyang video, nakikita na niya ang mag-asawang matanda na ala una pa lamang ng madaling araw ay nagwawalis na.

Ito ay para makapagtrabaho pa sila at may maayos na kitain sa maghapon.

Dahil sa napansin ng radio anchor ang kasipagan ng mag-asawa, naisipan niya itong ipamili ng groceries na pamasko at ilang mga gamit na kakailanganin nila sa araw-araw.

Nanalo kasi sa raffle ng kanilang Christmas party ang radio anchor kaya naisip niyang ibahagi ang biyayang natanggap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula sa handa para sa pasko, bigas at ilan pang maaring makain ng mag-asawa sa araw-araw, binilhan din niya ng magandang thermos at tasa ang mga ito dahil alam niyang maaga ang mga itong nagsisimula ng kanilang araw.

Ngiti ang sinalubong mag-asawa nang makita si Archie lalo pa ng ibigay na nito ang kanyang pamaskong handog sa dalawa.

Naging emosyonal ang mag-asawa sapagkat ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap sila ng mga ganitong bagay.

Ngunit, tanda ng mister na minsan na silang natulungan ni Archie noong nakaraang taon ngunit pera naman ang naibigay nito sa kanila.

Masayang nagpasalamat ang mag-asawa sa radio anchor at hiling nilang pagpalain pa ito upang makatulong pa sa mga nangangailangan.

Narito ang kabuuan ng video:

Source: Kami.com.ph

Online view pixel