Guro, emosyonal dahil sa pangmamaliit daw ng estudyante sa kanyang pamasko

Guro, emosyonal dahil sa pangmamaliit daw ng estudyante sa kanyang pamasko

- Viral ang post ng isang guro na nasaktan ang damdamin sa ginawa ng kanyang estudyante

- Todo effort pa naman daw ang guro sa paghahanda ng kanyang regalo sa kanyang mga hinahawakang mag-aaral

- Ngunit sa kasamaang palad, di raw ito nagustuhan at sinabing kaya rin daw nilang bumili ng ganoon

- Ang ilan pa nga sa kanyang mga kaibigan ay nagtaka kung bakit bibigyan pa ng guro ang kanyang mga estudyante gayong mga sakit naman daw ito ng ulo

- Ngunit gusto pa rin ng guro na bigyan ang kanyang mga estudyante subalit di naman nila ito "na-appreciate"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nadurog ang puso sa post ng guro na si Kathleen Jane J. Mendoza.

Kwento ni Teacher Kathleen, pinaghandaan daw niya talaga ang mga keychains para ibigay sa bawat isa sa kanyang hinhawakang klase.

Pinagawa raw niya ito sa kanyang kaibigan kung saan makikita ang larawan ng klase pati na rin ang grade at section nila.

Nagtaka pa raw ang mga kaibigan ni Teacher Kathleen kung bakit bibigyan pa niya ang mga estudyanteng sanhi naman daw ng sakit nito sa ulo at sakit sa lalamunan.

Ngunit excited pa rin ang guro na ipamahagi ang mga keychains sa kanyang mga estudyante bilang pamasko.

Sa kasamaang palad, di ito nagustuhan ng karamihan sa kanyang mga estudyante.

Ang isa, nasabi pa ang "Cher, ito lang regalo mo samin? Kaya din namin bumili nito eh!"

Dahil dito, napagtanto ng guro na kahit ano pa man ang kanyang gawin, di ito sasapat para sa kanyang mga estudyante.

Buong pag-aakala pa naman niya ay magugustuhan ito ng mga minamahal niyang mga mag-aaral subalit, nakakadurog ng pusong malaman ng harapan na hindi.

Samantala, maging ang mga netizens ay nakaramdam din ng kirot sa kanilang puso sa naranasang ito ni Teacher Kathleen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Grabe namn mga kabataan ngeyun dati nga kame masayang masaya na kame sa keychain ee nag effort pa si maam"
"Same..kaya di na din ako nagbibigay ng gifts sa advisees ko..napagsalitaan na din ako ng ganyan..so nagpapagames na lang ako and cash prize..para ang mabigyan e ung may gusto lang.."
"I feel you ma'am, binigay ko na ang gusto nila in return ang narinig ko lang ay " sama naman ma'am" given na bata sila pero sana lang maisip din nila yong effort natin para lang mapasaya siya kahit mga pasaway"
"E di wow! Taz Yung mga reklamador d performer sa class..char! Mga inday ug dodong learn to appreciate small things"
"At least you had the heart to exert effort and you tried to make them happy, Kathleen. You’ve done a good job."
"Kahit ako nasaktan sa reaction ng students ko. Tumbler binigay ko sa kanila. Lahat sila meron ung iba thankful ung iba nghahanap pa ng karagdagan. Ang sakit talaga sa puso. Kala nila obligado tayu at karapatan nilamg maregaluhan sila. Nagleave ako sa gc namin sa sobrang sama ng loob ko."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel