Viral! Lalaki, 'di matanggap ang sinapit ng kanyang ama sa 2 tanod

Viral! Lalaki, 'di matanggap ang sinapit ng kanyang ama sa 2 tanod

- Hindi matanggap ng isang lalaki ang pananakit sa kanyang ama ng dalawang lalaki na napag-alamang mga tanod

- Sa pamamagitan ng isang CCTV footage, nasaksihan nito ang panununtok, pananakal at pananampal sa matanda

- Sa video, makikita na nakatayo lamang ang matanda nang biglang lapitan ng dalawang salarin

- Hindi naman naging malinaw ang naging ugat ng insidente ng pambubugbog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Nakakapanlumo ang sinapit ng isang matandang lalaki sa kamay ng dalawang Barangay tanod sa Mandaluyong.

Sa isang CCTV footage na ni-reupload ng Facebook page na Duterte News at Pilipinas Trending Viral, makikita pa ang panununtok, pananampal at pananakal ng dalawang salarin sa matanda.

Ayon sa netizen na si Richard De Guzman, napakasakit na makita na sinasaktan ng dalawang tanod ang kanyang ama na wala namang kalaban-laban.

Sa video na ngayon ay viral na, makikita ang matandang lalaki na nakatayo lamang sa gilid ng daan at hinihintay lang daw ang kapatid nito nang bigla na lamang lapitan ng dalawang lalaki.

Ilang saglit lang ang lumipas, dinikitan na ito ng isa at may sinabi habang ang isa naman ay bigla na lang tinapik ang sombrero ni tatay.

Mapapansin din na hindi komportable ang biktima kaya sinubukan na nitong lumayo ngunit pinigilan siya ng dalawa at sa halip ay pinaupo sa isang upuan.

Dito na nagsimula ang pananampal at panununtok ng isa sa mga lalaki. Kita rin na hindi makalaban ang matanda sa dalawa kahit pa sinubukan nitong magpumiglas.

Maya-maya, sinakal ng isa ang matanda habang hinahawakan naman ng isa ang mga kamay nito.

Sa puntong ito, may dumating nang lalaki na umawat sa dalawa at kinausap ang dalawang tanod.

Sinubukan na ring lumayo ng biktima at pumapara ng masasakyan ngunit hinila itong muli ng isa pang lalaki.

Narito ang kabuuan ng post ni De Guzman tungkol sa pangyayari:

"Wala ng mas sasakit pa na makita mo ang magulang mo na sinasaktan ng iba ng walang kalaban laban sa hindi maipaliwanag na dahilan"

"Masakit din isipin na Kung sino pa yung dapat na nagtatanggol sa mga naaapi at nangangailangan ng tulong sila pa yung kakakitaan sa pag gawa ng di maganda sa kapwa.

Dec 12,hapon. Kakauwi lang ng tatay ko at tito ko galing Tanza, Cavite. Naghihintay ang tatay ko sa may crossing sa tito ko. Biglang dumikit etong dalawang lalaki(mga tanod pa) sa tatay ko at bigla nalng itong SINAMPAL,SINUNTOK AT SINAKAL. Like anong karapatan nyo para saktan yung tatay ko na wala namang ginawang masama sa inyo, at walang kalaban laban?

Bilang anak sobrang sakit para sakin ung ginawa nila kay tatay lalo na ng makita ko ang mga pangyayari sa CCTV. Yes po may CCTV sa lugar at buti nalang may kuha sila. Kaya humihingi po ako ng tulong sainyo na sana po'y mabigyan ng leksyon itong dalawa na to sa ginawa nila sa tatay ko dahil para sakin di lang sapat na maalis sila sa pagiging tanod sa inabot ng tatay ko sa kamay nilang dalawa. Please po need ko po ng tulong nyo para di narin po mangyari sa iba nangyari sa tatay ko. Salamat po.

PS: Nangyari ito sa may sierra madre st crossing, edsa brgy highway hills mandaluyong.

#Raffytulfoinaction"

Samantala, hindi naman malinaw kung saan nag-ugat ang pananakit ng dalawa sa matanda.

Nakahanda naman daw na magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa mga tanod.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel