Raffy Tulfo at Angkas, humanga sa rider na sinigawan at minura ng 1 pasahero

Raffy Tulfo at Angkas, humanga sa rider na sinigawan at minura ng 1 pasahero

- Humanga si Raffy Tulfo sa Angkas rider na nagviral matapos sigawan at murahin ng isang pasahero nito

- Maging ang management ng Angkas ay nagpahayag din ng paghanga sa nasabing rider

- Ayon sa rider, nagtimpi lamang ito dahil na rin ayaw nitong ma-ban sa Angkas na isa sa kanyang ikinabubuhay

- Nakatanggap naman ito ng tulong mula kay idol Raffy at mabibigyan din ng insentives mula sa Angkas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinahanga ng Angkas rider na si Jimmy Ripo si Raffy Tulfo dahil sa ipinamalas nitong ugali matapos sigawan at murahin ng isa nitong pasahero.

Una nang naiulat ng KAMI nang kumalat ang video ni Ripo habang nagwawala ang pasahero nito sa EDSA.

Maging ang Angkas, pinuri rin ang isa sa kanilang rider na nagpamalas ng kahanga-hangang pag-uugali sa kabila ng masalimuot na sitwasyon.

Napag-alamang na-late ng limang minuto ang rider sa pagsundo sa pasahero na labis nitong ikinagalit.

Pero paliwanag ni Ripo, nagpadala siya ng mensahe sa pasahero na mahuhuli siya ng dating dahil sa sobrang bigat ng traffic sa EDSA.

Ngunit hindi na raw siya binigyan pa nito ng pagkakataon na makapagpaliwanag at inakmaan pa umano siya nito na susuntukin.

Sa kabila nito, nanatili naman itong kalmado dahil ayaw daw nitong ma-ban sa Angkas. Inaasahan daw kasi nito ang kita mula rito.

Iniwasan din daw niya ang gulo lalo pa at nakasuot siya ng uniporme na pinuri rin ni Tulfo.

Samantala, ayon sa head of operations ng Angkas, patuloy namang kinokontak nila ang naturang pasahero upang hingan ng panig.

Pero siniguro naman nito na suspendido na ang account ng pasahero.

Nagpasalamat naman ito kay Ripo at nangako na makakatanggap ito ng insentives mula sa kompanya.

Hindi rin nakalimot si idol Raffy na mag-abot ng tulong kay Ripo at sa asawa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel