Rescuers, patuloy ang paghahanap ng 'signs of life' sa gumuhong shopping center

Rescuers, patuloy ang paghahanap ng 'signs of life' sa gumuhong shopping center

- Tatlo na ang kumpirmadong namatay sa pagguho ng isang shopping center sa Davao matapos ang magnitude 6.9 na lindol doon

- Ayon sa ulat, patuloy ang operasyon ng rescuers doon na naghahanap pa rin ng 'signs of life' sa nag-collapse na gusali

- Gumagamit ang Davao Central 911 ng special equipment na maaaring maka-detect kung may buhay pang na-trap sa lugar

- Pahirapan naman ang ginagawang rescue operations doon dahil sa mga naramdamang aftershocks

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tatlo na ang kumpirmadong patay sa gumuhong shopping center sa Padada, Davao del Sur matapos yanigin ng magnitude 6.9 na lindol ang lugar noong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat ng GMA News (Reporter, Darlene Cay), patuloy pa rin ang rescue operations sa nag-collapse na gusali.

Gumagamit din ang Davao Central 911 ng special equipment na maaaring maka-detect kung may 'signs of life' pa sa lugar.

Sabi pa sa ulat, nahirapan ang mga awtoridad na makuha ang ikatlong katawan sa lugar dahil sa tindi ng pagkakaipit nito.

Pahirapan din ang rescue operation dahil sa mga aftershocks na naramdaman doon.

Matapos yanigin ng malakas na lindol ang gusali, third floor na lamang ang makikitang parte nito dahil sa pagguho.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, nakuhanan naman ng video ng isang netizen ang nakakakilabot na eksena sa isang hotel sa kasagsagan ng lindol.

Napag-alaman naman na nasa kanyang bahay sa Davao si Pangulong Duterte nang lumindol kasama ang anak na si Kitty.

Ligtas ang pangulo at ang pamilya nito ayon sa statement na inilabas ng Palasyo at PSG, na una nang naiulat ng KAMI.

Nagpaalala naman ang gobyerno na manatiling kalmado ngunit maging alerto sa mga posibleng aftershocks ng lindol.

Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala na ng halos 200 na aftershocks sa ilang lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel