Lalaki, muntik makalunok ng perlas mula sa talaba na nagkakahalaga ng P20-30K

Lalaki, muntik makalunok ng perlas mula sa talaba na nagkakahalaga ng P20-30K

- Swerte nang maituturing nang 'di sinasadyang makakuha ng isang perlas ang lalaking si Raoul mula sa talaba na nagkakahalaga ng P20-30K ayon sa isang eksperto

- Ayon kay Raoul, kumakain siya nang talaba sa isang seafood restaurant nang manguya niya ang perlas na inakala pa niya noong una na ngipin niya

- Pero nang muli niya itong suriin, doon na niya napagtanto na isa nga itong perlas lalo na nang ipasuri ito sa isang fisheries technologist

- Tila naman sadyang para sa kanya ang swerte dahil may nairegalo siya sa kanyang misis sa kanilang ika-30 taong anibersaryo na ang simbolo ay perlas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinuwerte nga ang lalaking si Raoul Pineda nang hindi sinasadyang makakuha siya ng isang perlas mula sa kinakaing talaba.

Sa report ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), sinabi ni Raoul na nakuha niya ang perlas habang kumakain siya sa isang seafood restaurant.

Anito, inakala pa nga raw niya at ng mga kasama na ngipin niya lang ito at muntik pa ngang malunok.

Pero kinalaunan ay napagtanto niya na ito ay perlas nga. May habang dalawang sentimetro at patulis ang isang dulo.

Upang mas makasiguro, ipinasuri niya ito sa isang fisheries technologist at ayon dito, kumpirmadong perlas nga ang nakuha ni Raoul mula sa kinaing talaba.

Samantala, ayon din sa isang gemologist, authentic at posibleng nagkakahalaga ng P20,000 hanggang P30,000 ang perlas na nakuha ni Raoul.

Napag-alaman naman ng KAMI na ang perlas mula sa talaba ay ipinagawang pendant ni Raoul para iregalo sa kanyang misis na si Arlene.

At dahil pinadagdagan niya pa ito ng mga fresh water pearl, umabot na sa mahigit P100,000 ang value nito.

Pero para sa dalawa, mas mahalaga sa kanila ang tatlong dekada nilang pagmamahalan at pagsasama.

Ang mag-asawa kasi ay ipagdiriwang na ang kanilang ika-30 taong anibersaryo na ang simbolo ay perlas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel