Netizen, ibinahagi ang conversation nila ng "demanding" na kumpare

Netizen, ibinahagi ang conversation nila ng "demanding" na kumpare

- Tila na-disappoint ang isang netizen na ipinost ang conversation nila ng kanyang kumpare

- Sa viral post ng netizen, humiling umano ng pamasko ang kanyang kumpare para sa inaanak nito

- Hindi naman nagustuhan ni kumpare nang tumawad si ninong sa hinihiling nitong aginaldo

- Bagamat marami ang hindi natuwa kay "kumpare", may ilan naman ang nagduda sa nasabing post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Tila na-disappoint ang isang netizen sa inakto ng isa sa kanyang kumpare na nag-demand diumano ng aginaldo para sa anak nito.

Sa viral post ng netizen na si Mark Fernandez Munoz, ibinahagi nito ang conversation diumano nila ng kanyang kumpare.

Sa una ay nangumusta muna si kumpare, ngunit ang kasunod pala nito ay ang hiling nito na bike para sa kanyang anak na inaanak ni Munoz.

Pero dahil busy ang binata sinabi nitong cash na lamang ang kanyang ibibigay sa inaanak nito bagamat P2K naman ang aginaldong ipinangako nito.

Ngunit hindi nagustuhan ni "kumpare" ang sagot ni ninong at sa halip ay sinabi nitong nakapag-canvass na ito ng bike na nagkakahalaga ng P5K.

Hindi naman malinaw kung ano ang napagkasunduan ng magkumpare pero ang post ni Munoz ay mabilis na nagviral sa social media at umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

"Siguro isa lang ninong ng anak niya. Apaka demanding, siya nga di niya mabilhan yung anak niya ng bike."

"Scam talaga pag kinuha kang ninong/ninang ngayon e."

"Ano ba yung gulong niya may halong diamonds at ang kadena ginto?"

"Akin n lang ung 2k mo kuya. Sia na nga binibigyan, sia pa choosy. Di ko tatanggihan yan."

"pag ng hingi ng bike inaanak ko sakin bibilhan ko tandaan mo yan pero unahin ko muna ung preno saka nayung bike."

"Minsan lang pala magPasko e, so bakit di sya yung bumili?"

Samantala, sa kabila ng ilang netizens na hindi natuwa kay "kumpare", may ilan namang nagduda sa viral post na ito.

Ganunpaman, umabot sa 20K ang nakuha nitong reactions at 19K na shares sa Facebook.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel