Ilang customer ng 1 parlor, sa labas na lang inayusan matapos ang lindol

Ilang customer ng 1 parlor, sa labas na lang inayusan matapos ang lindol

- Sa labas na lang itinuloy ng ilang empleyado ng isang parlor sa Kidapawan City ang pagpapaganda sa kanilang mga kliyente

- Ito ay matapos yanigin ng 6.9 na lindol ang Davao del Sur noong Linggo ng hapon

- Bagamat isa itong maituturing na trahedya, umani pa rin ng mga positibong komento ang mga ito

-Ayon naman sa huling update ng PHIVOLCS, may mga naitala nang aftershocks na umabot na sa halos 200

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa labas na lang itinuloy ng ilang empleyado ng isang parlor sa Kidapawan City sa Cotabato ang pagpapaganda sa kanilang mga kliyente.

Ito ay matapos yanigin ng magnitude 6.9 na lindol ang Davao del Sur noong Linggo ng hapon.

Sa halip na mag-panic, ay itinuloy na lamang ng mga ito ang kanilang trabaho sa kabila ng trahedya.

Sa ilang larawan na ibinahagi ng netizen na si Mae Omandac, makikita ang ilang kababaihan na nakaupo at siniserbisyuhan ng mga empleyado.

Ang ilan sa kanila, hindi pa rin naialis ang kanilang mga ngiti kahit pa nga isang malakas pagyanig ang naramdaman.

Samantala, bagamat maituturing na masalimuot ang nangyari, umani pa rin ng mga positibong reaksyon sa social media ang mga ito.

"Dyan ka mangha sa ating mga Pilipino. Sa kabila ng malungkot na sinapit. Saglit lang ang pighati at nananatili ang ngiti."

"Yan ang pinoy still praying for the safety of everyone."
"Tuloy ang paganda sa gitna ng sakuna."
"Yan tayong mga pinoy lumindol,bumagyo tuloy ang buhay."
"Hnd pwd kasing hnd tapusin ung proseso ng rebond nla."
"Ito talaga yung literal na tiis ganda hehehe."
"Only in the philippines ....pagsinimulan mo taposin mo....walang makakahadlang umulan man mat bumagyo....pray for safe all over the world."
"Lindol ka LNG...pero buhok namin tuwid....sing tuwid sa pagmamahal ko sayo!!hahahahahha."
"Earthquake ka lang, Pilipino Kami."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling update ng PHIVOLCS, may mga naitala nang aftershocks na umabot na sa halos 200, na una nang naiulat ng .

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel