'On foot': Customer, humanga sa GrabFood delivery woman na naglalakad lang
- Humanga ang isang GrabFood customer nang malamang naglalakad lang ang magdeeliver ng kanilang pagkain
- Nakalagay sa app na "On foot" sapagkat wala itong anumang gamit na sasakyan
- Upang makumpirma, tinanong ng customer kung talaga bang naglalakad ang babae sa pagdedeliver ng pagkain sa kanila
- Nagulat ito nang sumagot ito na "Oo" at nakarating naman sa tamang oras
- Bumilib din daw ang customer sa Grab dahil sa tumanggap sila ng empleyado para sa GrabFood kahit wala itong sasakyan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena sa social media ang post ng isang customer kung saan humanga ito sa GrabFood delivery woman na naglalakad lamang.
Ayong sa panayam ng Philippine Star sa customer na si Jarred Gaviola mula Muntinlupa City, nagulat siya nang malamang walang sasakyan ang magdedeliver ng pagkain nila mula sa GrabFood.
Nag-order daw noon si Gaviola ng hapunan nila nang mapansin sa app na "on foot" ang GrabFood delivery na kadalasan naman na "in transit" ang status kung naka-motor o anumang sasakyan ang magdedeliver.
Nakilala ang GrabFood delivery woman na si Roshelle Medillo na umani talaga ng papuri mula sa kanyang customer.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Talagang humanga si Gaviola sa kasipagan ng delivery woman na ito na matiyagang naglalakad at maayos pa ring naide-deliver ang pagkain.
Saludo rin daw ang customer sa Grab dahil tinanggap pa rin nila si Medillo na maging delivery woman kahit wala itong sasakyan.
Natuwa si Gaviola sa nasaksihan niyang kasipagan ng delivery woman kaya naman binahagi niya ito sa social media.
Nasa 6,600 na ang positibong reaksyon ng post na ito.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh