Pinilahan talaga! Manny Pacquiao, namahagi na ng maagang pamasko

Pinilahan talaga! Manny Pacquiao, namahagi na ng maagang pamasko

- Mabilis na nag-viral ang larawan ni Senator Manny Pacquiao na namamahagi ng maagang pamasko sa mga tao

- Makikita ang mahabang pila ng tao na lahat ay mabibigyan daw ng tig-iisang libo ng People's Champ

- Kahit sino raw ay maaring pumila para makapamasko sa Pambansang Kamao

- Matatandaang noong isang taon, nasa ₱3 milyong piso ang kanyang pinamahagi bilang pamaskong handog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Namataan na ang boxing legend na si Manny Pacquiao na namamahagi ng biyaya sa mga tao bilang kanyang pamasko.

Binahagi ng Pinoy Trend ang mga larawan ng pamamahagi ng "aginaldo" ng Pambansang Kamao.

Hawak niya ang makapal na bugkos ng perang tig ₱1,000 na kanyang pinamimigay isa-isa sa mga taong nakapila.

Nakangiting namamahagi si Senator Manny kaya naman mas lalo siyang hinahangaan ng mga tao dahil sa kabutihang loob nito.

Kaya naman daw di kataka-takang umaapaw ang biyayang natatanggap nito dahil marunong siyang magbahagi.

Maaalalang taong 2018, nasa ₱3 million ang halaga ng kanyang mga naipamigay na pamasko sa mga taong pumila sa bahay ni PacMan sa Forbes Park Makati.

Ilan sa mga pumila at nabahiganan noon ay mga kasambahay, drivers at security guards na mabilis na nabalitaan ang pamaskong binibigay ng pambansang kamao.

Samantala, naloka ang ilang netizens sa pamamahaging ito ni Sen. Manny at sana raw ay maging sila ay mabahaginan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Siya ang tunay na lingkod.ng bayan nagbibigay mula.sa.kangyang pinagpawisan hindi tulad ng iba ayaw mabawasan ang pera na galing sa pawis ng taon bayan na tunay na magnanakaw."
"Woowww talaga ang ating senator walang k kupas kupas ang kabutihan kaya wala din tigil ang blessing s kanya at s buong pamilya...nawa hnd k po magbago idol"
"Sana makatanggap ung higit na nangangailangan, salamat po senator manny , ibabalik din po sa inyo ni Lord Jesus yan, Amen!"
"Marunong siyang mamahagi ng biyaya kaya naman pinagpapala siya"
"Sana nakapila rin kami, panghanda sana namin"
"Mabuhay ka Senator Manny! bihira lang ang tulad mong marunong magbigay kahit di eleksyon"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel