70-anyos na lolo, masaya sa mga tulong na natanggap lalo na nang makakain sa McDo

70-anyos na lolo, masaya sa mga tulong na natanggap lalo na nang makakain sa McDo

- Matapos mag-viral ang kanyang kwento, dinagsa na ng tulong si Lolo Rodel Gumban

- Siya ang 70-anyos na walang maayos na tirahan sa Kalibo at namumuhay mag-isa dahil nasa Maynila na ang kanyang mga anak

- Mula sa mga groceries, gamit sa bahay, make-over at pagpapatayo ng bahay ay natanggap lahat ni Lolo Rodel mula sa mga netizens na naantig sa kwento ng kanyang buhay

- Pero ang pinakamasayang karanasan daw niya ay ang makakain sa unang pagkakataon sa McDonald's

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang pagsidlan ng kaligayan ang 70-anyos na lolo na labis labis ang biyayang natanggap ngayong paparating na ang kapaskuhan.

Sa tulong ni Archie Hilario ng Energy FM sa Kalibo, dinagsa ng iba't-ibang klase ng tulong si Tatay Rodel Gumban na napansin ng kanyang mga kapitbahay dahil sa sira-sira na nitong tirahan.

Nang maipalabas ang video ng unang panayam kay Tatay Rodel, nagsimula nang magsidatingan ang tulong para sa kanya sa tulong pa rin ng Energy FM.

Una siyang naipamili ng mga pagkain pangaraw-araw, mga damit at iba pang pangunahin niyang pangangailangan.

Nabigyan din siya ng free make-over na regalo umano sa kanya ng may-ari ng salon sa kanilang lugar.

At ang kanyang labis na nagpaluha sa kanya ay nang masimulan nang ayusin ang kanyang bahay sa tulong ng mga netizens na karamihan pa ay mga OFW.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang nakakatuwa pa rito, ayaw pang magpakilala ng ilang OFW na nagpadala ng pera para kay Tatay Rodel dahil ang pakay lamang daw ng mga ito ay ang makapagbahagi ng biyaya sa matanda.

Ngunit ang nagpalabas ng matatamis na ngiti ni Tatay Rodel ay nang dalhin siya ni Archie sa McDonald's upang pakainin.

Ayon sa lolo, di pa raw siya nakakakain sa McDo kaya naman iyon ang unang pagkakataong makapasok at makakain siya roon.

Ang masaya pa rito, isang tagasubaybay ng kwento ni Tatay Rodel ang nakilala siya at nagbigay pa sa kanya ng ice cream.

Bakas sa mukha ng matanda ang labis na kasiyahan lalo pa at nalalapit na ang kapaskuhan.

Narito ang kabuuan ng masayang araw ni Tatay Rodel o mas kilala rin sa tawag na Tatay Camlon:

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel