Pres. Duterte, namigay ng early Christmas gifts para sa mga distressed OFWs sa Kuwait

Pres. Duterte, namigay ng early Christmas gifts para sa mga distressed OFWs sa Kuwait

- Maagang iginunita ng distressed overseas Filipino workers (OFWs) ang Pasko sa Kuwait

- Namigay ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng cash at regalo sa mga distressed OFW bilang parte ng kanilang gift-giving project

- Ito raw ang pamamaraan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ibahagi ang kanyang pagmamahal sa mga OFW sa Kuwait

- Ang pondo para sa proyekto na ito ay mula sa P1-billion Assistance to Nationals (ATN) fund ng DFA para sa taong 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging maaga ang Pasko para sa ilang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.

Nalaman ng KAMI na 300 na Pinoy na nasa halfway shelters o nasa kulungan ang binigyan ng mga regalo ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Pres. Duterte, namigay ng early Christmas gift para sa mga distressed OFW sa Kuwait

Photo from Department of Foreign Affairs
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng DFA, sa pamamagitan ng gift-giving program para sa mga distressed OFW, namigay ng pera at care packages ang gobyerno sa mga Pinoy mula noong Nobyembre 26 hanggang 28.

Nasa $100 ang pera na ipinamigay sa mga distressed OFWs at may hygiene kit din na iniregalo sa kanila.

Labis naman ang pasasalamat ni Chargé d’Affaires at Consul General Mohd Noordin Lomondot sa DFA dahil inuna nito ang Kuwait sa gift-giving project sa Middle East.

“The DFA, through the Philippine Embassy in Kuwait, initiated this gift-giving program as a way of sending the love of President Rodrigo Roa Duterte to our less fortunate kababayan in Kuwait, and as a way of telling our distressed OFWs that their government has not forgotten them,” giit ni Lomondot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang gift-giving program ngayong 2019 at ang kauna-unahang proyekto ng Embassy mula noong 2016. Ang pondo para sa proyekto na ito ay mula sa P1-billion Assistance to Nationals (ATN) fund ng DFA para sa 2019.

Pres. Duterte, namigay ng early Christmas gift para sa mga distressed OFW sa Kuwait

Photo from Department of Foreign Affairs
Source: Facebook

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel