President Rodrigo Duterte, ligtas mula sa 6.9 lindol sa Davao del Sur

President Rodrigo Duterte, ligtas mula sa 6.9 lindol sa Davao del Sur

- Ayon sa statement na inilabas ng Malacañang at PSG, ligtas si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa lindol sa Davao del Sur

- Hapon ng Linggo nang yanigin ng 6.9 na lindol ang nasabing lugar

- Base sa statement, nasa kanyang bahay sa Davao ang Pangulo nang lumindol kasama ang anak na si Kitty

- Samantalang ang partner naman ni PRRD na si Honeylet Avanceña ay pauwi na sa bahay at nasa sasakyan nang maramdaman ng lindol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ligtas daw si Pangulong Rodrigo Duterte mula 6.9 na lindol, na tumama hapon ng Linggo sa Davao del Sur.

Base sa statement na inilabas ng Malacañang at PSG, nasa kanilang tahanan sa Davao si Pangulong Duterte kasama ang anak na si Kitty nang yanigin ng lindol ang nasabing lugar.

“President Duterte was in his house in Davao City with his daughter Kitty when the earthquake struck,” ayon sa Palasyo.

Sa isang ulat ng GMA News, sinabi ni Presidential Security Group (PSG) Commander Brigadier General Jose Niembra na bumalik sa pagtulog ang pangulo matapos ang pagyanig.

"Ok lang wala naman damage [sa] house pero pa check pa rin [ang] structural integrity. PRRD ok lang natulog uli after the quake," sabi ni Niembra.

Samantala, ang partner naman ng pangulo na si Honeylet Avanceña ay kasalukyan daw nasa daan nang lumindol.

Ligtas naman daw ang ginang ayon din sa ulat.

Nagpaalala rin ang Palasyo na manatiling kalmado ngunit maging alerto sa posibleng mga aftershocks ng lindol.

Huwag din daw magpakalat ng mga maling impormasyon na maaaring maging sanhi ng panic sa mga apektadong lugar.

Dagdag pa ng Palasyo, nakahanda na ang lahat ng concerned agencies ng gobyerno para magbigay ng tulong sa mga biktima ng lindol.

"All concerned agencies of the government have been mobilized to respond to the present conditions and provide immediate assistance to those in need."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel