Lolo na nakatira sa sira-sirang bahay, pinapatayuan na ng maayos na tirahan sa tulong ng netizens

Lolo na nakatira sa sira-sirang bahay, pinapatayuan na ng maayos na tirahan sa tulong ng netizens

- Natulungan ng mga nagmalasakit na netizens ang 70- anyos na si Rodel Gumban na nakatira lamang noon sa wasak na bahay

- Marami ang nakapanood ng video ng lolo na mas kilala sa tawag na Tatay Camlon

- Bukod sa mga groceries, mga damit at sapatos, nabigyan din ng libreng make-over ang lolo mula sa may-ari ng isang parlor

- Ang pinakamagandang pamsakong kanyang natanggap ngayon ay ang maipagpatayo siya ng bahay sa tulong ng mga nagmalasakit sa kanya na mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang naibahagi ng KAMI ang nakakadurog ng pusong kalagayan ng 70-anyos na mangangalakal na si Rodel Gumban.

Matatandaang si Tatay Rodel ang tinulungan ng Energy FM Kalibo dahil sa nakatira lamang siya sa wasak at dapang bahay.

Ngayon, dinagsa na ng tulong si Tatay Rodel o mas kilala sa tawag na Tatay Camlon.

Ipinamili siya ng groceries, damit, sapatos at ilang kagamitang kakailanganin niya sa bahay.

Bukod dito, nabigyan pa siya ng libreng make-over mula sa isang parlor sa kanilang lugar.

Emosyonal si Tatay Camlon ang makitang unti-unting dumarating ang mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng kanyang tahanan.

Maluha-luha siyang nagpasalamat sa mga tumulong sa kanya na karamihan ay mga OFWs.

Bakas naman ang kaligayahan dahil sa mga biyayang natatanggap at ang tanging hiling na lamang niya ngayon ay makapiling ang mga anak na nasa Maynila ngayong kapaskuhan.

Narito ang kabuuan ng video na binahagi ni Archie Hilario:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel