Mister na na-stroke, buking ni misis na nakikipaghalikan sa physical therapist

Mister na na-stroke, buking ni misis na nakikipaghalikan sa physical therapist

- Mismong si mister na ang umamin na hinahalikan daw ito ng kanyang physical therapist

- Bago ito ay isiniwalat na ng kanyang misis na minsan niya nang nahuli ang dalawa sa kanilang bahay

- Ayon naman kay mister, ginagawa raw ito ng kanyang PT tuwing umaga para na rin daw sa kanyang paggaling

- Pero reklamo ni misis, nilayasan na raw siya ni mister at ayaw nang bumalik pa sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin mismo ni mister na hinahalikan nga ito ng kanyang physical therapist sa programang Wanted sa Radyo.

Bago ito, idinulog ng ginang na si Helen Ardiente ang pag-iwan sa kanya ng mister na si Ranillo, na sinundo pa raw ng mga kapatid nito at hindi na bumalik pa.

Hinala pa ni Helen noong una ay maaaring dahil sa benepisyo kaya sinundo ng mga kapatid niya ang kanyang mister.

Ngunit pinabulaanan naman ito ni mister at sinabing siya ang may kagustuhan na umalis sa bahay nila ni misis.

Pero depensa ni misis, maaaring may kinalaman ang physical therapist nito na minsan daw nitong nahuli na kahalikan ang kanyang mister!

Bagamat sinubukan pang itanggi ni mister, sa huli ay napaamin din ito.

Anito, hinahalikan daw siya ng kanyang PT tuwing umaga para raw "ma-boost" ang kanyang kalusugan at mapabilis ang paggaling.

Giit pa nito, madalas naman na wala sa kanilang bahay ang misis. Aalis daw ito ng hapon at umaga na nakakauwi.

Una nang nagisa ni Raffy Tulfo si Helen nang hindi nito maipaliwanag ang pinagmulan ng pag-alsabalutan ni mister.

Naungkat rin ang tungkol sa nakuhang separation pay ni Ranillo na umabot sa mahigit isang milyon.

Ayon sa ginang, ibinili niya ng mga gamit nila sa bahay at ginastos sa ospital at pagpapagaling ni mister.

Ngunit napag-alaman naman na ang halagang P500K ay naipautang umano ni misis.

Itinanggi naman nito na palagi itong umaalis bagamat inamin nito na nangyayari nga ito dahil umano naghahakot ito ng mga gamit mula nang sila ay maglipat.

Nang tanungin naman ito ni idol Raffy kung nagsusugal ito, inamin nito na dati itong nalulong sa Bingo at madalas daw ay talo.

Samantala, base naman sa pahayag ni misis, ayaw na raw umuwi ni Ranillo sa kanilang bahay kahit pa sinundo na raw niya ito.

Masakit man, wala namang nagawa ang ginang sa pasya ng asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel