Miss Universe Malaysia pageant director, dismayado sa kalituhang naganap sa Miss Universe 2019

Miss Universe Malaysia pageant director, dismayado sa kalituhang naganap sa Miss Universe 2019

- Naglabas ng pagkadismaya ang Miss Universe Malaysia pageant director Elaine Daly sa social media

- Ito ay matapos ihayag ng Miss Universe Organization na hindi nagkamali si Steve Harvey sa kaniyang announcement sa nanalo sa National Costume

- Marami ang naguluhan at nag-akalang nagkamali lamang ang TV host sa kanyang announcement

- Umani ng batikos ang nangyaring mix-up sa announcement ng winner para sa National Costume category ng Miss Universe 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinadismaya ng Miss Universe Malaysia pageant director ang nangyaring kalituhan sa pag-announce ng nanalo sa National Costume category ng Miss Universe 2019.

Ito ay matapos i-announce ni Steve Harvey na Pilipinas ang nanalo. Kasabay nito ay makikita ring nag-flash sa screen sa likod ang larawan ni Gazini Ganados suot ang kanyang Philippine eagle-inspired costume.

Aniya, “Here’s a look at the winner, Philippines.”

Gayunpaman, katabi ni Steve ay si Miss Malaysia na suot ang kanyang National costume. Nai-explain pa nito ang kahulugan ng bawat elemento ng kanyang suot.

It’s not Philippines, it’s Malaysia," paglilinaw ni Miss Malaysia Shweta.

Ipinagdiwang ng bansang Malaysia ang pagkapanalong ito. Kabilang na ang Miss Universe Malaysia pageant director na si Elaine Daly na naghayag ng kaniyang kasiyahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bunsod ng mga reaksiyon sa social media, nilinaw ng Miss Universe Organization na Pilipinas nga ang tunay na nanalo.

Kasunod nito hindi itinago ng Miss Universe Malaysia pageant director ang naramdamang pagkadismaya sa pangyayari.

Ang Miss Universe ay isang taunang pandaigdig na timpalak ng kagandahan (beauty pageant sa Ingles) na pinangangasiwaan ng Miss Universe Organization. Ang pageant na ito ay ang pinakabantog sa ganitong uri ng mga timpalak sa buong daigdaig dahil sa higit na 600 milyon nitong mga manonood.

Sa naunang ulat, ikinatuwa ng mga netizens ang picture ni Catriona Gray kasama si Gazini Ganados.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel