Kahit hiwalay na: Misis, pumayag na i-donate ang kanyang kidney sa dati niyang mister

Kahit hiwalay na: Misis, pumayag na i-donate ang kanyang kidney sa dati niyang mister

- Di nagdalawang isip ang misis na i-donate ang kanyang kidney sa dating mister na nangangailangan nito

- Maging ang mga doktor na magsasagawa ng operasyon ay di makapaniwala sa desisyon ng dating mag-asawa

- Limang taon na silang magkahiwalay ngunit maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't isa para sa kanilang mga anak

- Ito rin ang dahilan ng misi kumbakit siya napapayag na maging donor ng dating asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang halos si makapaniwala sa kwento ng dating mag-asawang sina Dan Pyatt at Kelly Hope.

Ayon sa Aleteia.org, nabalitaan ni Kelly na nangangailangang sumailalim ni Dan sa kidney transplant upang mabuhay.

Bagaman at limang taon na silang magkahiwalay, di nagdalawang isip si Kelly na i-donate ang kanyang kidney sa mister.

Nagulat ang mga doktor ni Dan sa desisyon na ito ni Kelly lalo pa nang malamang hiwalay naman na ang dalawa.

Kahit hiwalay na: Misis, pumayag na i-donate ang kanyang kidney sa dati niyang mister

source: The Mirror
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Kelly, ginawa lamang niya ito para pa rin sa anak nila ni Dan na sina Jeannie at Billie.

“Even though we weren’t together anymore, I wasn’t prepared to let my children be without a father,” ang mismong pahayag ni Kelly sa mismong reporter ng the Mirror.

Naging matagumpay ang operasyon at pareho rin silang nasa maayos na kalagayan.

Dagdag pa ni Kelly, simul pagkabata naman talaga ay magkaibigan na sila ng dati niyang asawa.

Kaya naman kahit ngayon na walang bisa na ang kanilang kasal, di pa rin nawawala ang pagmamalasakit nila sa isa't isa lalo na sa kanilang dalawang anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel