Bongga pa rin: Kakaibang prenup photos, agaw eksena sa socmed

Bongga pa rin: Kakaibang prenup photos, agaw eksena sa socmed

- Agaw pansin ang kakaibang prenup pictures ng ikakasal dahil napili nilang kunan ito sa putikan

- Imbis na magagarang mga kasuotan, simpleng damit lamang ang kanilang suot dahil lubog naman sila sa putikan

- Namangha ang karamihang mga netizens dahil sa pagiging praktikal ng dalawa

- Sa kabila ng kakaibang konsepto ng prenup, kapansin-pansin pa rin tindi ng pagmamahalan ng dalawang ikakasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang prenup photos ng Indian lovers na mas piniling kunan ito sa putikan.

Binahagi ng Binu seens photography ang mga larawan nina Jose and Anisha na kuha sa Kerala, India.

Taliwas sa kadalawang konesepto ng prenup photos kung saan magagarang damit din ang suot ng magkasintahan, simple lamang ang suot nina Jose at Anisha sapagkat lubog naman sila sa putikan.

Sa kabila ng kakaibang konsepto nilang ito, bakas pa rin ang pagmamahalan ng dalawa sa kanilang mga larawan.

Kitang-kita rin na nag-enjoy sila sa kanilang photoshoot kahit pa sila ay nababalutan ng putik.

Samantala, umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens na ang karamihan ay nagulat sa napiling tema ng prenup nina Jose at Anisha.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Narito ang kanilang mga komento:

"Praktikal nga naman pero ano kaya dahilan nila bakit ito ang napili nilang location"
"Baka naman sa bukid sila nagkakilala kaya eto prenup nila"
"Ano ba, walang basagan ng trip mukha naman silang masaya e..."
"Memorable ito para sa ikakasal kasi malamang pinag-usapan sila e kasi kakaiba"
"Hahahaha ang kulit nitong mga to... sa kasal kaya nila ganito rin?"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel