Tricycle driver, lumuhod at nagdasal habang lumilindol sa Davao del Sur

Tricycle driver, lumuhod at nagdasal habang lumilindol sa Davao del Sur

- Mabilis na nag-viral ang larawan ng isang tricycle driver na nagluhod at nagdasal habang lummilindol

- Niyanig kasi ng magnitude 6.9 na lindol ang Davao del Sur na na naging mapaminsala maging sa mga karatig bayan

- Hinangaan ang tricycle driver na naisipan niyang gawin sa kasagsagan ng lindol

- Nag-alay na rin ng dasal ang mga netizens para sa mga nakaranas ng pagyanig sa Davao del Sur at ilang bahagi pa ng Mindanao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw atensyon sa social media ang isang tricycle driver na talagang lumuhod at nagdasal sa kasagsagan ng paglindol sa Davao del Sur.

Ayon kay Rex Remitio ng CNN, kuha raw ito habang nararamdaman ang magnitude 6.9 na lindol sa nasabig lugar.

Makikitang bumaba talaga ng tricycle ang driver at lumuhod sa tabi ng kalsada. Pikit ang mga mata nito at nakadipa habang taimtim na nananalangin.

Maraming netizens ang humanga sa ginawa na ito ng tricycle driver at sinabing ito nga raw ang nararapat na gawin sa oras na iyon.

Maging sila ay nag-alay na rin ng taimtim na dasal para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Praying for the safety of our dear kababayans in Mindanao, particularly those who experienced this recent earthquake. Ingat po."
"Yes! in all aspects of our Lives Prayer is the Most Initial / First Source of Strength..Courage...& Protection! Sending Prayers For all People in Mindanao to be safe & Alive..."
"That's what most of the christians do.. in times of danger pray, in times of happiness pray..To God be the Glory"
"Tama yn dasal tlaga ng mataimtim..my awa c lord di cla pababayaan jn sa mindanao.."
"Tama ka kuya ang dios lang ating sandigan sa oras ng sakuna amen"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel