Doktorang walang mga binti, patuloy pa rin ang panggagamot sa kabundukan

Doktorang walang mga binti, patuloy pa rin ang panggagamot sa kabundukan

- Hinangaan ang isang doktora sa China na sa kabila ng kawalan ng mga binti, matiyaga pa ring nanggagamot

- Sa tulong ng kanyang mister, nabubuhat siya nito kahit na may mga pasyente pa siya sa kabundukan

- Gamit din ang dalawang maliit na silya, ito ang nagmimistulang mga paa niya upang siya ay makagalaw mag-isa

- Nakaranas umano siya ng matinding sakit noong siya ay bata pa kaya naman ayaw na niya itong maranasan ng iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ang doktora sa China na si Li Juhong dahil sa kabila ng kawalan niya ng binti ay patuloy pa rin siyang nangggagamot.

Ayon sa CNN, bata pa lamag nang maaksidente ni Li dahilan upang maputulan siya ng dalawang binti.

Di biro ang tiniis niya noon na sakit na siya namang naging dahilan upang maisipan niyang maging doktor.

Ang nakamamangaha pa kay Li, mas pinili pa niyang maging doktor sa isang nayon sa kabundukan kahit pa hirap na siya sa kanyang sitwasyon.

Malaking bagay din na suportado siya ng kanyang mister na siyang nagbubuhat sa kanya patungo sa lugar kung saan siya manggagamot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kung wala naman ang mister, dalawang maliit na bangko o upuan ang magsisilbing mga paa nito.

Maayos niyang niyang nagagampanan ang pagiging isang doktor kahit wala siyang mga binti.

Tunay na nakaka-inspire ang doktorang ito na hinahangaan na rin ng marami.

Si Dr. Li ay isang magandang halimbawa ng pagharap sa mga pagsubok sa buhay nang may pagmamahal sa sarili at determinasyon na mapapagtagumpayan mo ang anumang bagay sa kabila ng iyong mga kahinaan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel