Mang Inasal crew na tuloy ang pamimigay ng unli-rice sa kasagsagan ng lindol, viral

Mang Inasal crew na tuloy ang pamimigay ng unli-rice sa kasagsagan ng lindol, viral

- Mabilis na nag-viral ang video ng Mang Inasal crew na tuloy ang pamimigay ng unlimited rice sa kumakain sa Mang Inasal

- Niyanig ng nasa magnitude 6.9 na lindol ang Davao del Sur kaya naman nagsilabasan ang mga nasa gusali

-Ayon sa mga netizens, paraan lamang daw ito ng mga naroon upang pakalmahin ang sarili at ituloy na lamang ang pagkain

- Maliban sa viral video na ito, marami rin ang mga nagsilabasang video at mga larawan ng naging epekto ng lindol sa Davao ilang linggo bago ang kapaskuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa Twitter ang video ng isang Mang Inasal crew na nagawa pa ring mamahagi ng unlirice sa kasagsagan ng lindol sa kanilang lugar sa Davao del Sur.

Sa video na binahagi ng Twitter user na si @angelie_nina makikita ang crew na dala ang lagayan ng kanin na pang-refill sa kanilang mga customer na unli-rice ang na-order.

Siya na rin mismo ang sumisigaw kung sino pa ang nais magpa-refill ng kanin sa mga customer nilang nasa labas na ng kainan.

Magnitude 6.9 na lindol ang tumama sa Davao del Sur kaya naman napalabas talaga ang mga kumakain sa branch doon ng Mang Inasal sa lakas ng pagyanig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang ang ilan ay natawa na lamang sa video na ito ng crew, ang ilan naman ay humanga sa mga Pinoy sa paraan ng pagpapakalma.

Ang ginawa raw kasi na ito ng crew ay isang paraan upang maibsan ang takot ng mga naroon sa lakas ng naramdaman nilang lindol.

Nag-ikot na lamang daw ang crew para patuloy na pakainin ang kanilang customers at bahagyang maalis ang takot sa nangyari.

Umabot na sa mahigit 26,000 views ang video na ito sa Twitter.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel