Video ng mga beki na todo hataw sa pagsayaw ng "Tala", kinagiliwan online

Video ng mga beki na todo hataw sa pagsayaw ng "Tala", kinagiliwan online

- Viral ang video ng mga beki na todo hataw sa pagsayaw ng "Tala" ni Sarah Geronimo

- Ayon sa caption, dahil sa wala raw laro na volleyball ang mga ito, sumayaw na lamang sila sa court

- Maririnig sa video ang mga nanonood na tuwang-tuwa sa kanilang pagtatanghal

- Sa bandang huli kasi ng kanilang sayaw ay nakuha pang buhatin ng iba ang isa nilang kasama

- Umabot na sa mahigit 670,000 ang videos ng nakakaaliw na video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena online ang nakakatuwang grupo ng mga beki na nagpaunlak ng isang sayaw sa volleyball court.

Binahagi ng Kapuso mo Jessica Soho ang nakakaaindak na video na mayroon nang mahigit 670,000 views.

Todo hataw sa pagsayaw ang magkakaibigan sa saliw ng hit song ni Sarah Geronimo na "Tala."

Makikinig sa video kung gaano kasaya ang mga nanonood na tuwang-tuwa sa pagtatanghal ng grupo.

Wala raw kasi noong laro ng volleyball kaya naman dinaan na lamang nila sa sayaw ang pagpunta nila sa court.

Mas naloka pa ang mga netizens sa bandang huli ng sayaw kung saan nagawa pang buhating ng grupo ang isa nilang kasama.

Maging ang mga netizens na nakapanood nito ay natanggalan pansumandali ng stress dahil sa saya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Nakakaloka sila. hahahaha. bigyan ng career ang mga ito"
"Ang saya saya mga vaklangthosss sige sayaw mga momshiesss"
"Nakakaaliw silang panoorin. nakakawala ng stress"
"Imagine kung sila yung Men's Volleyball Team natin sa SEAGames... Malamang iiyak ang kalaban"
"Mas magaling pa sila dun aa mga sumayaw sa Christmas party namin. hahaha."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel