Pasko na kasi! Driver na nakabangga raw, hinuli ngunit binigyan pa ng regalo

Pasko na kasi! Driver na nakabangga raw, hinuli ngunit binigyan pa ng regalo

- Viral ang video ng isang multicab driver na hinarang ng mga pulis dahil daw ito'y nakabangga

- Kitang-kita ang reaksyon ng driver na nagtataka sa pangyayari at wala naman daw siyang nabangga

- Nilapitan pa ito ng naka-unipormeng pulis upang tanungin ang nangyari na lalong ikinabahala ng driver

- Hinihingan na ng pulis ang driver na lisensya dahil umano sa nagawa nito sa kalsada

- Nang ibibigay na ng tsuper ang kanyang lisensya, laking gulat nito nang sumambulat sa kanya ang mga pamaskong handog pala sa kanya ng mga pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang nakakakaba ngunit nakakataba ng puso na vide ng panghaharang ng mga pulis sa driver na sinasabi nilang nakabangga.

Binahagi ng Team Boyaks "bai shat bai" kung paano nila pinakaba muna ang driver bago nila ito bigyan ng pamasko.

Nagkunwaring nakatanggap ng report ang mga pulis na di umano'y nakabangga ang driver ng multicab.

Kitang-kita ang reaksyon ng tsuper at pilit na itinatanggi ang pangyayari na di naman talaga totoo.

Hiningan na rin siya ng lisensya dahil umano sa nagawa nito at di naman tumanggi ang driver.

Habang kinukuha nito ang lisensya, inihahanda na rin ng mga pulis ang pamaskong ibibigay pala sa driver.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang iaabot na ng driver ang lisensya, iniabot na rin ng pulis ang mga pamaskong bigay nila sa driver.

Maraming natuwa sa kakaibang gimik na ito ng mga pulis. Nagbiro pa nga ang iba na magpapahuli na lang din sila kung ganito naman daw ang biyayang kapalit.

Hinangaan din ng mga netizens ang naisip na ito ng mga kapulisan na bagaman dinaan sa biro ang pamamahagi ng biyaya, ang mahalaga ay naisip nilang magbigay ng tulong sa mga masisipag na tao tulad ng mga drivers.

Sana raw ay dumama pa ang tulad ng mga pulis na na di nakakalimot sa totoong kahulugan ng pasko.

Dahil sa nakaka-good vibes ang video. mayroon na itong mahigit na 2.1 million views.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel