Catriona Gray, magiging isa sa mga hosts ng It's Showtime simula January 6

Catriona Gray, magiging isa sa mga hosts ng It's Showtime simula January 6

- Magiging isa sa mga hosts ng It's Showtime si Catriona Gray simula ngayong Lunes, January 6

- Kinumpirma ito ng entertainment reporter na si MJ Felipe sa isang tweet na kanyang ibinahagi

- Ikinatuwa naman ito ng mga tagahanga ni Catriona na sabik nang mapanood ang beauty queen

- Makakasama ni Catriona sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Amy Perez, Kim Atienza, Amy Perez at Ryan Bang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ng entertainment reporter na si MJ Felipe na magiging bahagi na ng It's Showtime si Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang isa sa mga hosts ng noontime show.

Ayon sa tweet na ibinahagi ni Felipe, magiging isa sa hosts ng It's Showtime si Catriona simula ngayong January 6.

Labis na ikinatuwa ng mga fans ni Cat ang balitang ito lalo pa at marami ang humihiling na sana ay magkaroon na ng regular show ang beauty queen.

"CONFIRMED: Miss Universe 2018 Catriona Gray will be one of the co-hosts of It's Showtime starting tomorrow, Monday - for a limited engagement," ani Felipe sa kanyang tweet.

Makakasama ni Catriona sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Amy Perez, Kim Atienza, Amy Perez, at Ryan Bang bilang mga co-hosts.

Samantala, kasalukuyang naka leave sina Anne Curtis at Mariel Rodriguez.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang reaksiyon ng mga tagahanga ni Cartriona.

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe 2018.

Sa naunang ulat, nagsalita si Catriona tungkol sa balitang nililigawan daw siya ni Alden Richards.

POPULAR: Read more about Catriona Gray here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel