Hashtags Nikko Natividad, mangiyak-ngiyak sa prank ni Vice Ganda sa kanya

Hashtags Nikko Natividad, mangiyak-ngiyak sa prank ni Vice Ganda sa kanya

- Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang pagkakataon na makabawi kay Hashtags Nikko Natividad

- Ito ay matapos niyang mag-DJ pansamantala sa 101.9 MOR bilang kahalili ni DJ Chacha

- Mangiyak-ngiyak si Nikko habang sinasabi ni Vice Ganda ang diumano'y "pagkaasar" ni Direk Bobet Vidanes sa kanya

- Kaya naman, nakahinga ng maluwag si Nikko nang malamang prank lang iyon at hindi totoong nagalit sa kanya ang direktor ng It's Showtime

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas ay nakabawi na si Vice Ganda sa pambibiktima ni Hashtags Nikko Natividad sa kanya noong nakaraang taon. Pansamantalang nag-DJ sa 101.9 MOR bilang kahalili ni DJ Chacha ang TV host na si Vice Ganda.

Hindi niya pinalampas ang pagkakataon para makabawi siya kay Nikko sa pangpaprank nito sa kanya. Tinawagan niya si Nikko at sinabing diumano ay nagagalit ang kanilang direktor dahil sa ilang mga bagay na kanyang nagawa.

Naging makatotohanan ang pagkasabi ni Vice Ganda sa diumano'y pagkakamaling nagawa ni Nikko na naging dahilan para magalit si Direk Bobet Vidanes. Mangiyak-ngiyak si Nikko nang sabihin ni Vice na posibleng matanggal siya sa trabaho dahil sa kaniyang ginawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Buong pagpapakumbaba namang sinabi ni Nikko na hihingi na lamang siya ng paumanhin at sana daw ay hindi siya matanggal.

Panuorin ang buong video dito:

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Ang kanyang pelikulang The Mall, The Merrier kasama si Anne Curtis ang kanilang opisyal na entry para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Matatandaang nabiktima ni Nikko si Vice nang minsan ay mag-guest siya sa MOR para i-promote ang kaniyang pelikulang Bakwit Boys.

Sa naunang ulat, kinaaliwan ang rekasiyon ni Vice Ganda nang tawagin siyang 'sir' ng isang contestant.

POPULAR: Read more about Vice Ganda here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel