Jomari Yllana, binanatan ang isang netizen na nagsabing ginagamit niya lang ang "Gwapings" para pagtakpan ang isyu

Jomari Yllana, binanatan ang isang netizen na nagsabing ginagamit niya lang ang "Gwapings" para pagtakpan ang isyu

- Hindi pinalampas ni Jomari Yllana ang isang netizen na nagkomento laban sa kanya

- Inakusahan siya ng isang netizen na ginagamit niya lang ang dating grupong "Gwapings" para pagtakpan ang isyung kinasasangkutan nito sa ngayon

- Ito ay matapos ibahagi ni Jomari ang isang throwback picture ng kasama sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso

- Ginamit din niya ang hashtag na #gentlemenneverlie na inalmahan ng ilang netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang maanghang na buwelta ang tinugon ni Jomari Yllana laban sa isang komento ng netizen laban sa kanya. Ito ay matapos niyang magbahagi ng isang throwback picture ng kasama sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.

Sila ang bumubuo sa grupong "Gwapings" na sumikat noong dekada '90. Ayon sa isang netizen, ginagamit lang ni Jomari ang "Gwapings" para pagtakpan ang isyung kinasasangkutan nito ngayon kaugnay sa diumano'y pag abandona niya sa kaniyang mag-ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jomari Yllana, binanatan ang isang netizen na nagsabing ginagamit niya lang ang "Gwapings" para pagtakpan ang isyu

Jomari Yllana, binanatan ang isang netizen na nagsabing ginagamit niya lang ang "Gwapings" para pagtakpan ang isyu
Source: Instagram

Buwelta naman ni Jomari, "can you spell ampalaya" Siguro panget ka? Gwapings nga diba"

Samantala, inalamahn naman ng ilang netizens ang hashtag na #gentlemenneverlie na ginamit niya sa caption ng kanyang throwback picture.

Naghashtag pa ng gentlemen never lie; like their record is clean. please jomari, spare the entire human population.
Mas bothered ako sa amdg hashtag. Seriously? Isasama mo yan sa pinaggagagawa mo?
Hanep sa hashtag ah. Sige na nga maniniwala na kami.

Matatandaang umani ng pambabatikos ang aktor matapos ibunyag ng dating karelasyon nitong si Joy Reyes na diumano ay iniwan silang mag-iina para sumama sa ibang babae.

Paglilinaw naman ni Jomari, naghiwalay sila dahil sa irreconcilable differences at hindi dahil sa ibang babae. Gayunpaman, inamin niyang lumalabas sila ng kanyang "first love" na si Abby Viduya na nakilala din bilang si Priscilla Almeda.

Kasunod nito, umalma din ang karelasyon ni Abby na diumano ay iniwan lang ng aktres at hindi din diumano sila naghiwalay.

Si Jomari Yllana ay isang actor, model, concert producer at promoter. Una siyang nakilala nang sumikat siya bilang miyembro ng teen group na Gwapings kasama sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jao Mapa.

Samantala, sa naunang ulat, pinanigan ng anak ni Jomari na si Andre Yllana ang nagrereklamong karelasyon ng kanyang ama na si Joy Reyes.

POPULAR: Read more about Jomari Yllana here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel