P127M copyright case ng ABS-CBN laban kay Willie Revillame, ibinasura ng SC

P127M copyright case ng ABS-CBN laban kay Willie Revillame, ibinasura ng SC

- Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagdismiss ng Court of Appeals sa P127-million copyright infringement case na isinampa ng ABS-CBN laban kay Willie Revillame

- Kasama din na ang ABC Development Corporation na dating kilala bilang TV-5 sa isinampang kaso

- Ang kaso ay isinampa dahil sa diumano'y pangongopya sa dating noontime show ni Revillame na Wowowee

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang P127-million copyright infringement case na isinampa ng ABS-CBN Corporation laban sa TV host na si Willie Revillame at sa ABC Development Corporation na dating kilala bilang TV5. Ito ay dahil diumano sa pangongopya sa dating noontime show ni Willie na Wowowee.

Matatandaang inapela ng ABS-CBN ang kaso sa Supreme COurt matapos itong madismiss ng Court of Appeals dahil sa forum shopping.

Matatandaang noong August 2010, nagsampa ng kaso si Willie sa isang korte sa Quezon City matapos siyang suspendihin bilang host ng Wowowee. P11 million ang hiningi ni Willie para sa damages dahil sa paglabag sa nakapaloob sa kontrata diumano nito.

Ang dahilan ng kanyang pagkasuspinde ay nang sabihin ni Willie na tanggalin sa trabaho si Jobert Sucaldito dahil sa diumano'y pagbanat nito sa TV show dahil sa mga naging guests ng Wowowee. Inalmahan ni Willie ang pambabatikos diumano sa kanya ni Jobert.

P486-million counterclaim ang naging tugon ng ABS-CBN laban kay Revillame para sa kasong breach of contract.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang P127-million copyright infringement case din ang isinampa ng Kapamilya Network laban sa TV host at ABC5 dahil sa diumano'y ginaya lamang sa Wowowee ang programang Willing Willie.

Noong September 2011, nadismiss ng Court of Appeals ang kaso. Sinang-ayunan naman ito ng Supreme Court sa kadahilanang " [ABS-CBN] failed to sufficiently show any reversible error on the part of the CA in declaring the petitioner guilty of forum shopping."

"[T]he petitioner resorted to forum shopping when it filed a complaint for infringement, the cause of action of which is similar to its compulsory counterclaim in Civil Case No. Q-10-67770 considering that both can be traced from Revillame’s refusal to honor his Talent Agreement,"saad ng SC sa nilabas na resolution.

Sa naunang ulat, usap-usapan sa social media ang mga pictures ng bonding moment ni Willie sa magiinang Kris, Bimby at Josh Aquino.

Unang nakilala si Willie Revillame bilang isang host sa GMA Network noontime variety program na Lunch Date noong dekada '80 kasama si Randy Santiago. Naging bahagi din siya ng mga pelikula bilang sidekick ng mga bida. Siya din ang naging host ng Magandang Tanghali Bayan, "Willingly Yours", Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime at Wowowillie.

POPULAR: Read more about Willie Revillame here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel