'Frozen' parody sa Christmas party, kinagiliwan ng mga netizens

'Frozen' parody sa Christmas party, kinagiliwan ng mga netizens

- Viral ang Christmas presentation kung saan ginaya si Queen Elsa ng Frozen

- Natuwa ang netizens dahil sa mga props na ginamit sa kakaibang presentation

- Umabot sa mahigit 1.7 million ang views ng nakakaaliw na video

- Ang ilan ay nagkaroon pa raw ng ideya kung ano ang maari nilang gawin sa sarili nilang Christmas party

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang nakakaaliw na "Frozen" parody na ginawa sa isang Chritmas party.

Binahagi ni Reggs Mondejar ang video na may caption na "Queen Elsa of Awesome OS!"

Todo costume ang gumaya kay Elsa at nakadalawang palit pa ito ng gown.

Kapansin-pansin din ang "snow effects" sa presentation sa tulong ng ibang kagrupo ng gumagaya kay Elsa.

Maririnig din ang tawanan ng mga nanonood na tuwang-tuwa sa palabas.

Maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa video kaya naman umabot na sa mahigit 1.7 million ang views nito.

Sabi pa ng ilan, nagkaroon daw sila ng ideya kung ano ang maari nilang gawin sa kanilang Christmas party.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Hahahahaha, ayos to ah! pati ang props todo rin. aliw!"
"Ay bongga naman nito, may pagpalit pa ng gown na naganap"
"Hahahahahah, naka-rubber shoes pala si Elsa, nakakatuwa"
"Naka-ilang replay ako, nakakaaliw kasi tawa ako ng tawa"
"Pag nalulungkot ka, panoorin mo lang to mawawala lungkot mo!"

Kamakailan, naibahagi rin ng KAMI ang Frozen parody na nauwi totoong wedding proposal.

Ang Frozen ay isang Disney movie na sumikat noong 2013. Nasundan ito ng part 2 na kapapalabas lamang sa mga sinehan nitong Nobyembre.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel