Inabandonang puting van sa Cavite, natagpuang may 2 bangkay sa loob

Inabandonang puting van sa Cavite, natagpuang may 2 bangkay sa loob

- Natagpuan ang isang inabandonang puting van sa Noveleta, Cavite noong Biyernes, Disyembre 13

- May natagpuan ding dalawang bangkay ng lalaki sa loob ng nasabing van

- Base sa driver’s license ng mga biktima, taga-Oriental Mindoro sila

- Nagbigay ng pahayag si Police Col. Marlon Santos ukol sa natagpuang bangkay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Noong Biyernes, Disyembre 13, natagpuan ang isang inabandonang puting van sa Noveleta, Cavite.

Sa loob ng nasabing van ay may natagpuan ding dalawang bangkay ng lalaki, ayon sa report ni Kevin Manalo para sa ABS-CBN News.

Nakilala rin ng mga awtoridad kung sino ang mga bangkay dahil nasa loob din ng van ang kani-kaniyang driver’s license.

Taga Oriental Mindoro ang dalawang lalaki, ayon sa pahayag ni Police Col. Marlon Santos, director ng Cavite Police Provincial Office.

"Ito palang van ay inarkila mula Oriental Mindoro at ang naging driver ay 'yong dalawa... Kausap na namin at na-notify na ang immediate family and they are advised to proceed here," sinabi ni Santos sa ABS-CBN News.

Inabandonang putting van sa Cavite, natagpuang may 2 bangkay sa loob

Photo provided by the Cavite Police Provincial Office
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan lang ay kumalat ang nakakatakot na video ng isang babae na kinidnap sa Makati at dinala sa puting van.

Mayroon ding kumalat na video noong Abril nang diumano’y pag-kidnap sa isang lalaking estudyante sa Santa Ana, Manila gamit din ang puting van. Ilang buwan ang nakalipas nang klaruhin ng Manila Police District (MPD) na hindi totoong may naganap na kidnapping sa video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel