Living Santa Claus! Isang lalaki, hinangaan sa kabutihang pinakita sa mga taong palaboy

Living Santa Claus! Isang lalaki, hinangaan sa kabutihang pinakita sa mga taong palaboy

- Viral ang post kung saan hinangaan ng netizen ang isang lalaki na nakasabay kumain sa Jollibee sa Marikina

- Una raw nitong pinakain ang tatlong batang lansangan at sumunod naman ang isang lalaking palaboy na sa lansangan

- Tinagurian tuloy ang lalaki na "Living Santa Claus" dahil sa pagtulong nito sa mga kapus-palad lalo na at nalalapit na ang kapaskuhan

- Umani ng papuri ang "Living Santa Claus" na ito at sana'y dumami pa raw ang tulad nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakunan ng larawan ang kabutihang ginawa ng isang lalaki sa Marikina.

Binahagi ni Nanie Suello ang aktong pagpapakain ng isang si pa nakikilalang lalaki sa Jollibee sa Blue Wave Marikina.

Ayon sa post, unang pinapasok at pinakain ng lalaki ang tatlong batang lansangan.

Mas humanga si Nanie nang pakainin rin ng lalaki ang isang taong palaboy nang walang duda na baka may gawin itong di maganda.

Dahil sa pagiging likas na mapagbigay nito, tinawang ng netizen na "Living Santa Claus" ang lalaki.

Akmang-akma nga naman ang tawag na ito sa lalaki dahil sa pagtuong na kanyang ginawa lalo pa at nalalapit na ang kapaskuhan.

Umani ng papuri ang lalaking ito mula sa mga netizens at sana raw ay dumami pa ang tulad niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilan mga komento:

"God bless you more to share sir!"
"Not sure kung sya din ung nakita kong nagpakain sa matanda nung huling nagbreakfast ako jan sa jabbee pero I remember ung matandang pinakain niya, yun din ung pulubi na nakita ko last time"
"Yan naman talaga dapat ipost kesa puro jeepney driver na masama..spirit of christmas naman dapat ipost mgpapasko na eh hahaha"
"Dalas nya gawin yan pag umistambay nag enjoy sya"
"May God bless him more than he deserved.."
"Ganito dapat ang sumisikat.Godbless you always sir."

Samantala, ilan sa nagkomento ang nagpakilalang mga apo ng lalaking sinasabing si Efren Santos. Ayon sa kanila, likas na matulungin ang kanilang lolo.

Narito ang kanilang komento:

"He is my Lolo Efren Santos. He lived in his condo by himself since his 2 daughters lived in the US. He also helping charity foundations and churches," ayon kay Carylle Bonifacio.
"Lolo po namin sya.. ugali nya tlga mag bigay ng pagkain sa mga namamalimos at nag ddonate din sa mga charity foundations," pahayag ng netizen na si Gerald.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel