Mayor Isko, sumuong sa "buwis-buhay" na pagtawid sa ilalim ng Jones Bridge

Mayor Isko, sumuong sa "buwis-buhay" na pagtawid sa ilalim ng Jones Bridge

- Hindi nagpaawat si Mayor Isko Moreno sa pagsama sa pag-iinspeksyon sa ilalim ng Jones Bridge sa Manila kahit pa nga ito ay "buwis-buhay" daw

- Sa isang Facebook video, makikita pa ang alkalde na enjoy na enjoy pa sa pagsakay sa bangka kasama ang ilang tauhan at miyembro ng media

- Game na game rin si Yorme na yumuko nang nasa ilalim na sila ng kilalang tulay sa siyudad

- Umani naman agad ito ng mga positibong reaskyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Muli na namang pinahanga ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang mga Pinoy netizens sa kanyang "matinik" na public service.

Sa isang video clip na ibinahagi ng Facebook page na Paolo Duterte Supporters mula sa FB page ni Mayor Isko, makikitang game na game ang alkalde kahit pa nga hindi ganoon kaligtas ang sumuong sa ilalim ng Jones Bridge sa Maynila.

Kasama ang ilang miyembro ng media at mga tauhan ay sumakay ng bangka si Mayor Domagoso para tingnan ang sitwasyon sa ilalim ng makasaysayang tulay na kamakailan lang ay muling nakita ang ganda ng mga Manileños at ng buong bansa.

Samantala, umabot naman sa halos apat na milyon ang views ng nasabing FB video at umani ng mga positibong komento sa social media.

"Hahah pati ako napapa yuko kay Yorme… Grabeng sinusuong lahat alang alang sa public service.... Ingat po palagi Mayor Isko… God bless..."
"Susme nakaka IDOL talaga si YORME ISKO.. Sana merong yorme 2, 3, 4 and so on sa buong Pilipinas. Di lang good looks, magaling talaga mamuno as mayor."
"Tlagang malakas ang loob ni yorme mabuhay ka yorme Isko Moreno."
" Kita natin na talagang enjoy n enjoy si Meyor Isko sa mga ginagawa nya para sa Maynila,kakainggit naman po kayong mga taga Maynila,isama po natin lagi sa panalangin ang inyong Mayor."
"Bakas sa mukha ni mayor ang sobrang galak , taos puso ang paglilingkod sa buong maynila , mabuhay ka."
"ganon kamahal si yorme ng mga kasama nya,sobra ang concern,malayo pa sa bridge pinapayuko na agad si yorme baka daw mauntog kita mo enjoy sila lahat, saya nila."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ang ika-27 mayor ng siyudad ng Maynila.

Bago ito naging politiko ay isa itong aktor na sumikat sa programang "That's Entertainment" ni German Moreno.

Nadiskubre siya sa isang lamay at doon na nagsimula ang kanyang career bilang aktor.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel