Perang ₱3,000 ang halaga, naibalik pa rin sa may-ari kahit 2 taon na ang lumipas

Perang ₱3,000 ang halaga, naibalik pa rin sa may-ari kahit 2 taon na ang lumipas

- Naisauli pa rin sa may-ari ang perang nawala noong 2017 sa isang eatery

- Binigay ng isa pa ring customer ang pera sa may-ari ng eatery sakaling may maghanap nito

- Makalipas ang mahigit dalawang taon, namukhaan ng may-ari ang minsan nang nagtanong sa kanya tungkol sa nawalang pera

- Naisauli ang mismong pera na hindi nagalaw o napalitan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang karanasan ng isang netizen na nwalan ng pera mahigit dalawang taon na ang nakalipas.

Kwento ni Cesnee Tan, taonog 2017 pa anang mawala niya ang ₱3,000 nanag kumain siya sa isang eatery sa Ponce Street sa Davao City.

Tinanong ni Cesnee ang may-ari ng eatery kung may nakita silang pera ngunit di pa ito nakikita ng mga tao roon.

Nang makaalis si Cesnee, isang customer ang nagsauli ng hinahanap nitong pera. Binigay na lamang ito ng customer sa may-ari sakali raw na bumalik ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lumipas ang mahigit dalawang taon at nagawi muli roon si Cesnee upang kumain.

Laking gulat niya nang tapikin siya ng may-ari at tinanong kung siya ba ang nawawalan ng pera noon.

Mas ikinagulat niya nang makita ang perang kanyang nawala noong 2017. Ang nakamamangha pa raw sa nangyari, ni hindi raw talaga ginalaw o hiniram ng may-ari ang pera dahil alam niyang iyon pa rin ang tig-iisang libo na nawala niya roon.

Laking pasalamat niya sa mabuting kalooban ng may-ari ng eatery.

Patunay lamang na mayroon pa rin namang mga tao na may malasakit sa kapwa at namumuhay ng matapat.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel