Binatang namamasyal lang sa Luneta, nakuryente

Binatang namamasyal lang sa Luneta, nakuryente

- Labis ang hinagpis ng pamilya ng 16-anyos na binata na nasawi matapos makuryente sa Luneta

- Sabi ng nanay ng binata, namamasyal lang ang anak sa Luneta nang maganap ang insidente

- Limang araw pang nag-agaw buhay ang binata sa ospital bago tuluyang binawian ng buhay

- Nangako naman ng tulong si Mayor Isko Moreno bagamat hindi sakop ng Manila City Hall ang Luneta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis ang hinagpis ng ina ng 16-anyos na binatang si Rene Boy Dela Cruz sa biglaan nitong pagkamatay.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, namamasyal lamang ang binata sa Luneta nang mapahawak sa isang poste ng ilaw sa Quirino Grand Stand.

Batay sa report, nakuryente si Rene Boy mula rito.

Limang araw pang na-comatose ang biktima bago tuluyang binawian ng buhay sa ospital.

Ibinahagi ng kaanak ni Rene Boy ang nangyari sa social media upang iparating kay Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang sinapit ng binata.

Pero paglilinaw ng Manila City Hall at Manila Police na ang National Parks Development Committee (NPDC) ang may sakop sa Luneta.

Pero nangako naman ng tulong si Manila Mayor Isko Moreno sa nangyari at patuloy din ang imbestigasyon ng pulisya.

Ayon kay Florizza Buclatin, Chief of Staff ng NPDC, hinihintay na lang ang medical abstract ni Rene Boy para makumpirma ang cause of death nito.

Napag-alaman ding nakakurdon na ang nasabing poste at may harang na. Ininspeksyon na rin daw ito ng electrician.

Dagdag pa ni Buclatin, tila ang barikada umano ang mayroong kuryente at hindi ang poste ng ilaw base sa kanilang imbestigasyon.

Pero ayon sa Manila Police posibleng makasuhan ang NPDC kapag napatunayang nagkaroon ng kapabayaan ang mga ito sa nangyari.

Samantala, siniguro naman ng NPDC na ligtas ang mga bibisita sa Luneta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel