All-girls chorale ng Pinas, nagwagi ng ginto sa Slovakia music fest

All-girls chorale ng Pinas, nagwagi ng ginto sa Slovakia music fest

- Wagi ng ginto ang all-girls chorale ng PAREF Woodrose School ng Pilipinas sa Slovakia Music Fest

- Sila lamang ang natatanging grupo na mula sa Asia at ang karamihan ng kalahok ay mula Eastern Europe

- Nag-uwi sila ng dalawang gintong medalya at dalawang special awards sa magkakaibang kategorya

- Kinanta nila ang "Anak" at ang tourism anthem na "Pillin mo ang Pilipinas"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaka-proud ang all-girls chorale ng PAREF Woodrose School na nagwagi ng dawalang ginto at dalawang special awards sa Slovakia Music Fest.

Ayon sa ABS-CBN, ang paaralang ito mula sa Muntinlupa lamang ang natatanging nakilahok mula sa Asia. Karamihan ng mga sumali sa music fest na ito ay mula sa Eastern Europe.

Kasama ng 27 na babaeng estudyante ang kanilang mga magulang at ang kanilang music teacher na si Myrene Carballo.

Naging winning pieces nila ang kantang "Anak" at tourism anthem na "Pillin mo ang Pilipinas"

Tatlong araw ang itinagal ng International Festival of Advent and Christmas Music na ito na ginanap sa Bratislava.

Aminado ang mga estudyante na hindi nila inakala ang mga panalo nila dahil sa magagaling din ang kanilang mga nakalaban.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod dito, nagkaroon din ng pagkakataon ang choral na makapagtanghal sa cathedral ng lugar.

Marami raw natutunan ang mga dalagitang nakilahok sa prestihiyosong patimpalak sa Musika.

Una na rito ang kababaang loob na sa kabila ng kanilang pagkapanalo, isinasaisip pa rin nilang may mas magagaling pa rin sa kanila.

Nagsimula ang Music Fest noong unang linggo ng Disyembre at nakabalik na sa bansa ang grupo nito lamang Huwebes, Disyembre 12.

Inaasahan nilang ito ay simula lamang ng marami pa nilang pagtatanghal sa loob at labas ng bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel