OFW, naging emosyonal nang magpanggap na tricycle driver para surpresahin ang nanay niya

OFW, naging emosyonal nang magpanggap na tricycle driver para surpresahin ang nanay niya

- Viral sa social media ngayon ang lalaking overseas Filipino worker (OFW) na naghanda ng surpresa para sa nanay niya

- Hindi alam ng nanay ng OFW na uuwi siya ng Pinas at nagpanggap ito bilang tricycle driver

- Naging emosyonal ang mag-ina nang magkita sila at nagyakapan nang mahigpit

- Samantala, naantig din ang puso ng mga netizens sa emosyonal na pagkikita ng mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi madali ang isang pagiging overseas Filipino worker (OFW), lalo na at kailangan malayo nang matagal sa pamilya at mahirap labanan ang “homesick.”

Nalaman ng KAMI na sa isang video sa social media, naging emosyonal ang mag-nanay nang muli silang magkita.

Ayon sa ulat ng Expatreaders, nagpanggap ang isang OFW na lalaki bilang tricycle driver para surpresahin ang nanay niya.

“OFW umuwi ng pinas at nag panggap na tricycle driver para supresahin ang kanyang nanay. (damay ang kanyang lolo). Pina tattoo din nya ang portrait ng kanyang nanay sa kanyang braso,” sabi sa caption.

Makikita sa video na in-upload ng Facebook page na CA Givhen TV na lumabas ang nanay sa bahay dahil may padala umano na dumating para sa kanila mula sa ibang bansa.

Binuhat ng isang lalaki ang mga bagahe mula sa tricycle. Bumaba naman ang tricycle driver para tulungan ang lalaki magbuhat. Hindi agad namukhaan ng nanay ang anak niya hanggang sa magtanggal na ito ng mask.

Hindi na napigilan ng mag-ina ang pag-iyak nila habang mahigpit na magkayakap. Labis ang tuwa nilang dalawa matapos ilang taong hindi nagkita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naantig din ang puso ng mga netizens sa naging emosyonal na pagkikita ng mag-nanay. Narito ang kanilang mga komento Facebook:

“Napaluha toloy ako sa mga anak mahalin ntin mga magulang ntin wag ntin pabayaan”
“Ayus tol.npaka swerte ng nanay mo.tinato mo pa sa braso mo.happy home bro.injoy ur vacation.God bless u and ur family.”
“Ang galing ng tattoo, kuhang kuha ang mukha ni nanay.”
“Nakakayak naman proud talaga ako sa iyo napakabuti mong anak sa na lahat ng mga anak ay tulad mo na mapagmahal..”
“Sana all anak mpagamahal sa mga magulang”
“Napa iyak naman ang bait mo God bless hirap malayo sa pamilya.”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel