Babaeng nambato ng humidifier sa saleslady sa Cebu, "mentally ill" ayon sa psychiatrist

Babaeng nambato ng humidifier sa saleslady sa Cebu, "mentally ill" ayon sa psychiatrist

- Sumailalim sa psychiatric evaluation ang ang babae sa viral video na nambato ng saleslady

- Isinagawa ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at lumalabas na may sakit daw ito sa pag-iisip

- Inirekomenda pa ng psychiatrist na pumasok ito sa isang mental institution

- Ayon sa pamilya ng babaeng nakilalal na si Medelina Yamazaki, dumaranas daw ito ng postpartum depression

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

- Nagawa pa nga raw nitong manakit ng pulis nang dalhin na ito sa presinto

Nasa kostudiya na ng pulisya ang customer na si Medelina Yamazaki na nagawang batuhin at murahin ang isang saleslady sa isang mall sa Cebu.

Ayon sa Yahoo Philippines, matapos ang halos isang linggo mula nang maganap ang insidente, sumailalim sa isang psychiatric evaluation si Yamazaki sa Vicente Sotto Memorial Medical Center nitong Huwebes, Disyembre 12.

Base sa resulta ng isinagawang test, lumalabas na kailangan na ng ibayong gamutan ni Yamazaki dahil sa may sakit daw ito sa pag-iisip.

Ayon pa sa psychiatrist, kinakailangang maipasok siya sa isang mental institution.

Dagdag pa ni Mabolo Police Station chief investigator Jeffrey Larrobis, tumutugma ito sa isinagawa nilang interogasyon sa babae na halos di na magsalita na parang wala siyang alam sa nangyari.

Nagawa pa umanong manampal ng isang pulis ni Yamazaki habang nasa presinto. Una na itong naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa sa report, hindi rin kaya ng kapasidad ng babae na humarap sa kanyang paglilitis.

Samantala, nabanggit naman ng pamilya ng babaeng ito na dumaranas daw umano ito sa postpartum depression.

Buwelta naman ng biktima na si Jennifer Fabillar sana raw ay di na pinapayagan ang mga taong may ganitong kondisyon sa pag-iisip na lumabas pa at pumunta sa pampublikong paaran.

Tutulong naman daw ang kompanya kung saan nagtatrabho si Fabillar. Matindi rin kasi ang naging epekto ng pangyayari kay Fabillar na halos ayaw na nitong umalis at makihalubo sa ibang tao.

Maaring maharap si Yamazaki sa patong-patong na kaso tulad ng grave threat, malicious mischief, physical injury, unjust vexation at damage to property.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel