Mag-tatay, viral nang tulungan ang mag-asawang hirap sa mga anak sa tren

Mag-tatay, viral nang tulungan ang mag-asawang hirap sa mga anak sa tren

- Tampok sa social media ang mag-tatay na Malaysian na tinulungan ang mag-asawa sa Thailand

- Nakita ng mag-tatay na nahihirapan ang mag-asawa sa tren dahil buhat pa nila ang kanilang mga anak

- Kaya naman, nag-alok sila ng tulong na paupuin ang nanay at buhatin ang isa pang anak nila

- Labis na natuwa ang mga netizens sa kabutihang ipinamalas ng mag-tatay sa mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending sa social media ang mag-tatay na Malaysian na tinulungan ang mag-asawang bitbit ang kanilang mga anak sa isang tren sa Thailand.

Nalaman ng KAMI na nang makita ng isang Malaysian na babae ang mag-asawa na nahihirapan na buhat ang mga anak nila habang nakatayo sa tren ay agad itong tumayo para paupuin ang nanay.

Ayon sa ulat ng Rachfeed, halos isang oras ang magiging biyahe ng mag-asawa kaya mahirap kung nakatayo lang sila kasama ang mga bata.

Laking tuwa ng lalaki na may nagbigay ng pwesto sa kanila kaya agad naman niyang pinaupo ang misis at isang anak niya rito.

Samantala, hindi pa rito natapos ang pagbibigay ng tulong sa mag-asawa.

Nag-alok din ng tulong ang tatay ng babae na buhatin ang anak na bitbit ng lalaki habang nakatayo siya. Masaya ang tatay ng babae na kalong-kalong ang bata habang nasa biyahe sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Natuwa naman ang mga netizens sa kabutihang ginawa ng mag-tatay para sa mag-asawa. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“We don't have a nation to do good.. we just need humanity.. There is a sense of humanity.. Insya-Allah.. all can live together..”
“Not all that is okay!!!... we also have something good there is something!!!”
“People are all the same, there are good, there are not good. No matter what race & religion at once. What is important is there must be an attitude of tolerance, understand the sensitivity of all new races have a sense of ‘humanity’.”
“The best.... I also used to meet people like this they will wake up for us to sit that our kids are looking at.....”
“Many are good.. kindness symbolizes adap.. better to be honest nature.. Thank you because there are still good ones..”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel