Willie Revillame, may nakakalulang alok sa 1st time OFW na paalis na

Willie Revillame, may nakakalulang alok sa 1st time OFW na paalis na

- Naantig ang damdamin ni Willie Revillame sa pamilya ng isang first time na OFW na naging contestant sa Wowowin

- Isang araw bago ang pag-alis nito ay napasali ito sa Kapuso program

- Pero nang marinig ni Kuya Wil ang madamdamin nitong mensahe para sa pamilya ay tila naawa ito ng husto sa lalaki

- Dahil dito, isang nakakalulang 'deal' ang inalok ni Kuya Wil dito na talaga namang ikinatuwa ng lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Naantig ang damdamin ng host/actor na si Willie Revillame sa isang contestant sa Wowowin na napag-alamang isang overseas Filipino worker.

Ang contestant na si Ogie ay isang dating promodiser. At ayon dito ay wala raw permanenteng trabaho.

Kahit daw kasi ipinagbawal na ang "contractual" sa bansa, hindi lahat ay pinapalad na maging regular.

Ayon kay Ogie, ito ang unang beses na aalis siya sa bansa para magtrabaho at hindi nito maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa nalalapit na pag-alis.

Napag-alaman pa mula kay Ogie na kinabukasan na rin ang kanyang alis papuntang Taiwan. Isang araw pagkatapos ng kanyang pagsali sa programa.

Masakit man daw ay wala itong ibang pagpipilian dahil sa hirap ng kanilang buhay. Umabot na rin daw kasi sa P120,000 ang kanyang utang na itinatago niya sa kanyang pamilya.

Ayaw daw kasi nito na mag-alala ang mga ito sa kanya habang nasa ibang bansa siya.

Pangarap daw nitong mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang nag-iisang anak. At ma-iahon sa kahirapan ang pamilya.

Habang ibinabahagi nito ang kanyang kwento ay naiyak na lamang ito dahil sa hirap ng kalooban dahil sa kanyang nalalapit na pag-alis.

Dito na hindi nakatiis si Kuya Wil at inalok ang lalaki na manatili na lamang sa bansa.

Ipinangako rin ng sikat na host na bibigyan ito ng trabaho sa Wowowin at hinigitan pa ang alok na sweldo kay Ogie sa Taiwan.

Bukod dito, babayaran din daw ni Kuya Wil ang kalahati ng nautang nito na P60,000. At i-aawas naman ang kalahati sa kanyang buwanang sweldo.

Hinikayat ni Willie si Ogie at ang asawa nitong si Katlyn na pag-isipan ang kanyang alok.

Labis naman ang tuwa ng marami at nagpalakpakan dahil sa "deal" na inialok ni Kuya Wil sa contestant.

At maging si Ogie at ang asawa nito ay mangiyak-ngiyak sa narinig mula rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel