Video ng estudyanteng binato ng basurahan ang kanyang guro, umani ng iba't ibang reaksyon

Video ng estudyanteng binato ng basurahan ang kanyang guro, umani ng iba't ibang reaksyon

- Nag-viral ang video kung saan matapang na binato ng estudyante ang kanyang guro

- Kitang-kita sa video kung paano basta na lamang ibinato ng isang binatilyo ang may kalakihang basurahan sa guro

- Matapos pa niya itong gawin, nagtawanan pa ang magkakaklase

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang isang video kung saan lakas loob nagawa ng isang estudyante na batuhin ang kanyang guro.

Binahagi ang video ni Marcone Mandelão ang kahabag-habag na video na may caption na "Tingnan ang saloobin ng mag-aaral na ito, na nanginginig bro!" sa wikang Portuguese.

Isang dilaw na may kalakihang basurahan ang basta na lamang binato sa lalaking guro na nagtuturo at nagsusulat sa whiteboard.

Bahagya itong natamaan kaya naman napahawak siya sa kanyang ulo habang kinakastigo ang mga lalaking estudyante.

Ang masaklap, nakuha pang tawanan ito ng mga mag-aaral na rinig na rinig sa video.

Dahil dito, marami ang bumatikos sa asal ng mga estudyante na di katanggap-tanggap.

May ilang nagsabi na maaring strikto ang guro kaya nagawa ito ng mga binatilyo ngunit di pa rin naman ito sapat na dahilan upang gawin ang pambabato sa guro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa video na umabot na sa mahigit 1.2 million views:

"Kung anak ko ang gumawa nito, lagot yon sakin. Noong panahon namin may respeto talaga kami sa guro"
"Kung anak ko ito, dadalhin ko siya sa silid sa harap ng lahat at itatapon din ang basurahan sa kanyang ulo, upang madama niya ang naramdaman ng guro sa sandaling iyon"
"May mga taong nagbibigay ng "Haha" na parang nakakatawa. Nais ko na doon ang kanyang ama na makita kung ano ang mararamdaman niya. Kumita ang guro ng isang napakaliit na suweldo upang makayanan ang ganyan?"
"Nakakadurog ng puso ang eksenang ito, di dapat ginaganito ang mga guro"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel