Lolong nakatira sa wasak na bahay, may panawagan sa mga anak na nasa Caloocan

Lolong nakatira sa wasak na bahay, may panawagan sa mga anak na nasa Caloocan

- Natunton ng Energy FM Kalibo ang kinaroroonan ng halos dapa nang bahay ng lolo na si Rodel Gumban

- Wasak na ang bahay nito na halos higaan na lamang ang nasa sa loob

- Nangangalakal ang matanda at minsan pa ay wala na talaga makain

- Nanawagan siya sa kanyang mga anak na taga-Caloocan na sana ay matulungan naman siya ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang kwento ng 70 anyos na lolo ang umantig sa puso ng mga netizens.

Binahagi ni Archie Hilario ang nakakaawang kalagayan ng matanda na si Rodel Gumban kung saan nakatira na lamang isang sa wasak na bahay.

Kwento pa ni Tatay Rodel, nangangalakal na lamang siya na siya niyang pinagkakain sa araw-araw.

Ang masaklap nga lang, dumarating sa puntong wala par in siyang makain.

Minsan naman, nagbebenta siya ng ilang mga gulay para may kitain. Binibili naman ito ng mababait niyang mga kapitbahay. dahil alam ng mga ito ang kalagayan ni Tatay Rodel.

Masakit sa kalooban ng matanda na hindi na halos siya naaalala ng kanyang mga anak na nasa Caloocan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado kasi siyang hirap na na maitawid ang pangaraw-araw kaya na namawagan ito sa kanyang mga anak para sa kaunting tulong.

Kalunos-lunos naman talaga ang sitwasyon niya roon lalo na ang kanyang bahay na halos higaan na lamang niya sa pagtulog.

Samantala, binigyan naman siya ng Energy FM sa tulong ng news anchor na si Archie Hilario ng bigas, groceries, damit at sapatos na labis namang ikinasiya ng lolo.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Tatay Rodel:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel