Babae, 'di sinasadyang nakuhanan ng video ang lalaking naninilip sa kanya

Babae, 'di sinasadyang nakuhanan ng video ang lalaking naninilip sa kanya

- Hindi sinasadyang nakuhanan ng video ng isang babae ang lalaking naninilip sa kanya

- Ayon sa Facebook post ng babae, sa isang public CR sa isang gasolinahan nangyari ang insidente

- Maging ang lalaki ay nagulat din daw nang makitang nakatutok dito ang camera ng babae

- Dahil sa takot sa nangyari ay hindi muna lumabas sa CR ang babae at nagpasundo sa isang lalaking kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Laking gulat daw ng isang babae mula sa Thailand nang maaktuhan ang isang lalaki na nagtangkang manilip sa kanya.

Ayon sa report ng Rachfeed, nasa isang pampublikong comfort room daw sa isang gasolinahan ang babae nang maganap ang insidente.

Pero napansin daw nito na masyadong malaki ang butas sa pagitan ng pinto ng CR mula sa sahig.

Dahil sa concern ito ay sinubukan daw nitong tignan kung ano ang maaaring makita mula sa pagitan sa pamamagitan ng video.

Ngunit hindi nito inaasahan na maaktuhan ang isang lalaki na kita pa nang lumuhod sa sahig at sumilip sa pagitan.

Hindi rin naman maitatanggi ang pakay nito dahil nasa loob ito ng CR para sa mga babae.

Hindi lang ang babae ang nawindang sa nakita dahil maging ang lalaki raw ay nagulat at hindi inasahan na may nakatutok ditong camera ng cellphone.

Sabi ng dalaga, mabilis na tumakbo palabas ang lalaki.

Dahil sa takot sa nangyari, hindi raw muna lumabas ang babae. Naisip daw nito na baka nasa labas pa ang lalaki.

Sa halip ay tumawag at nagpasundo ito sa isang kaibigang lalaki.

Naalarma naman ang ilang mga netizens matapos magviral ang video sa social media.

May ilang nagbigay din ng paalala lalo na sa mga kababaihan na mag-ingat sa paggamit ng mga comfort room lalo na iyong pampubliko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel