Babaeng nambato ng humidifier sa mall sa Cebu, hindi pinyansahan ng pamilya

Babaeng nambato ng humidifier sa mall sa Cebu, hindi pinyansahan ng pamilya

- Tumanggi ang pamilya ni Medelina Yamazaki, ang babaeng nambato ng humidifier sa isang mall sa Cebu, na piyansahan ito

- Ayon sa mga awtoridad, gusto ng pamilya na sumailalim sa isang psychiatric eveluation ang ginang

- Matatandaang mabilis na nagviral ang video ni Yamazaki habang nagwawala sa isang mall

- Naaktuhan din ang dalawang beses nitong pamamato sa isang sales assistant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Tumanggi ang pamilya ni Medelina Yamazaki na piyansahan ang ginang na naaresto dahil sa pananakit nito sa isang sales assistant sa isang mall sa Cebu, base sa ulat ng SunStar Cebu.

Ayon kay Chief Investigator Jeffrey Larrobis ng Mabolo Police Station, nais ng pamilya ni Yamazaki na sumailalim ang babae sa psychiatric eveluation.

Hindi rin daw nag file ng counter-affidavit at right to preliminary investigation si Yamazaki bago ang inquest proceeding.

Naipagbigay alam na rin ni Larrobis sa pamilya nito na naisampa na sa korte ang kaso laban kay Yamazaki.

Napag-alaman din ni Larrobis na nakaranas umano ng pangmamaltrato si Yamazaki noon ayon sa pahayag ng mga kaanak nito.

Nakararanas din umano ito ng postpartum depression matapos manganak.

Sabi ni Larrobis, hiniling ng pamilya ni Yamazaki na ilipat ito sa isang psychiatric facility.

Ngunit paglabag daw ito sa legal procedure, hindi kasi maaaring ilabas ang isang taong naaresto kung walang order mula sa prosecutor o korte.

Sa kaso ni Yamazaki, kinakailangang magpiyansa muna ito bago ito palabasin mula sa detention cell.

At kung patuloy na tumanggi ang pamilya nito ay hihingi na raw ang mga pulis ng commitment order mula sa korte para ilipat sa Cebu City Jail si Yamazaki.

Matatandaang nagviral ang ginang matapos itong makuhanan ng video habang nagwawala sa isang mall sa Cebu.

Naaktuhan din sa video ang dalawang beses na pamamato nito sa sales assistant na si Jennifer Fabillar, na una nang naiulat ng .

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel