198 na empleyado, emosyonal nang malamang manumbas ₱2.5 million ang kanilang bonus

198 na empleyado, emosyonal nang malamang manumbas ₱2.5 million ang kanilang bonus

- Naging emosyonal ang mga empleyado ng St. John Properties nang malamang $10 million ang paghahati-hatian nila na bonus

- 198 ang empleyado ng kumpanya kaya naman nasa $50,000 o manumbas ₱2.5 million ang matatanggap ng empleyado

- Naniniwala raw ang founder and chairman na ang lahat ay may kanya-kanyang naiambag sa tagumpay ng kanilang kompanya kaya nagdesisyon siyang bigyan ang mga ito ng bonus

- Halos di makapaniwala at sobrang saya ng mga empleyado sa surpresa na ito ng kanilang kompanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Real Estate company sa Maryland USA ang naglaan ng $10 million na ibinahaging bonus sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa Inquirer.net, nasa 198 ang empleyado ng St. John Properties na naging emosyonal ang inanunsyo ng kanialng founder and chairman ang espesyal na surpresa sa kanila na ginanap noong Diyembre 7.

Sa video na kuha sa mismong annual party ng kompanya, mayroong pinamamahaging pulang envelope na doon pala nakasaad ang nakakalulang halaga ng kanilang bonus.

Lumalabas na asa $50,000 o manumbas ₱2.5 million ang maaring matanggap ng mga empleyado ngunit ito ayon sa tagal nila sa St. John Properties.

Gulat na gulat ang mga empleyado nang malaman ang surpresa na ito kompanya.

Nilarawan nila itong "Magical" at "life changing".

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Karamihan din sa kanila ay naging emosyonal dahil di talaga nilan inakala ang napakalaking biyaya na ito.

Ang halaga pang ito ay karagdagan lamang sa taon-taong tinatanggap ng mga empleyado mula sa kompanya.

Ayon kay Edward St. John, chairman at founder ng St. John Properties, napagtagumapayan nila na i-develop ang 20 million square feet of office space, retail and warehouses saloob ng eight states in the US.

“I steer the boat but they’re the ones that run the boat, they’re the ones that make the boat go, without the team, we are nothing. We are absolutely nothing,” pahayag ni St. John.

Narito ang kabuuan ng video:

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel