Haba ng hair! Allan K at Paolo, gusto "ipatumba" ang 1 contestant sa Eat Bulaga

Haba ng hair! Allan K at Paolo, gusto "ipatumba" ang 1 contestant sa Eat Bulaga

- Humanga ang marami sa love story ng isang couple na napasali sa isang segment ng Eat Bulaga

- Ang magkasintahan na sina Lorna at Danny ay mayroong 34 taon na age gap

- Pati na ang mga hosts ng noontime variety show ay humanga at naaliw din sa pag-iibigan ng dalawa

- Biro pa nina Allan K at Paolo Ballesteros "ipatumba" na raw si Lorna dahil sa haba ng hair nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay saya at inspirasyon ang isang couple na naitampok sa isang segment ng Eat Bulaga na "Bawal Judgemental".

Ang couple na sina Lorna, 67 at Danny, 33, ay mayroong May-December love affair na tumagal na ng pitong taon.

Pero sa kabila ng malaking age gap, pinatunayan ng dalawa ang kanilang pagmamahal sa bawat isa.

Ayon sa kwento ni Danny, nagkakilala sila ni Lorna sa isang concert nang nagpa-load ito sa kanya.

Nagsimula raw sila bilang magkaibigan hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob nila sa isa't isa.

Idinaan naman ng mga hosts na sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo sa biro ang kanilang pagkaaliw sa dalawa na labis na ikinatawa ng maraming audience.

Hindi naman napigilan ni Allan K ang "mainggit" sa lovelife ni Lorna at nagbiro pa na palagi raw siyang nanonood ng concert at kahit boxing ay pinatulan na niya pero 'di siya nakatagpo ng katulad ni Danny.

Biro pa nina Allan K at Paolo Ballesteros "ipatumba" na raw si Lorna dahil sa haba ng hair nito.

Masaya namang binati ng mga hosts ang pagmamahalan ng dalawa na isang patunay na ang pag-ibig walang pinipiling edad at pagkakataon.

Maging ang mga netizens humanga rin sa love story nina Lorna at Danny.

"Love moves in mysterious ways."
"tawang-tawa ako sa mga pinaggagawa nina Jopao kay Lorna...haba talaga ng hair mo Lorna."
"Age really doesn't matter when it comes to love."
"Sana talagang may forever sainyong dalawa."
"Sweet ang dami napasya ng segment to."
"Kaboq anq lahat ke mommy lorNa.. Haba nq hair."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang article ng KAMI, nawindang naman ang Dabarkads hosts at mga audience ng Eat Bulaga sa isang "mahiyaing" contestant.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel