Chinese woman na sapilitang sinakay sa van sa Makati, kilala ang mga suspek

Chinese woman na sapilitang sinakay sa van sa Makati, kilala ang mga suspek

- Maaaring kilala umano ng Chinese woman ang mga lalaking sapilitang nagsakay sa kanya sa isang van sa Makati noong Lunes ng gabi

- Matatandaang nag-viral ang pangyayari matapos maaktuhan ang insidente habang nagsisisigaw na humihingi ng tulong ang babae

- Pero base sa ilang saksi at sa mga kuha ng mga CCTV sa lugar, kusang sumama ang babae sa mga lalaki at sumakay sa van

- Ilang dokumento naman ang nakuha mula sa pinangyarihan na inaasahang magiging daan para malutas ang kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mag-viral ang insidente ng sapilitang pagsasakay sa isang Chinese woman ng ilang kalalakihan sa isang L300 van noong Lunes sa Makati, kumpirmadong kidnapping ang insidente ayon sa mga pulisya.

Ngunit posible umano na kilala ng biktimang si Zhou Mei, 28-anyos at nagtatrabaho sa isang Philippine offshore gaming operator (POGO) company na nakabase sa Makati, ang mga lalaking tumangay dito, ayon kay Col. Rogelio Simon, chief ng Makati Police.

Base kasi sa ilang nakasaksi at mga kuha ng CCTV sa lugar, kusang sumama sa mga lalaki at sumakay sa van si Zhou, ayon sa ulat ng Inquirer (Author, Dexter Cabalza).

“There was no commotion while the victim was walking with two of the suspects. She was not dragged; she went with them without struggling,” ayon kay Simon.

Pero nang bababa na raw ang biktima ay bigla na lamang daw itong nagsisisigaw at nagpilit na bumaba mula sa sasakyan na siyang nakuhan ng video ng netizen.

Samantala, sabi sa ulat ang ginamit na L300 ay pag-aari ng isa pang Chinese national na si Feng Cao pero hindi pa ito natutunton ng mga awtoridad.

Patuloy naman sa imbestigasyon ang mga pulis at sinabing bagamat wala pa namang naiuulat na humihingi ng ransom ang mga suspek ay maituturing pa rin daw itong kidnapping.

“Maybe they were transacting with the victim inside the van,” ayon kay Simon. “If their purpose was to get money, she should have been driven to a far away place immediately [and] her relatives [contacted] for ransom.”

Base sa mga deed of sale na nakuha sa pinangyarihan ay mayroong transaksyon sa pagitan ng asawa ni Zhou, ng isa pang Chinese at POGO employee na si Chen Tangbin at isa pang Chinese national.

Ayon sa dokumento ay may ibinebentang sasakyan si Chen sa buyer sa halagang P1 million ngunit nadiskubreng peke ang address at ang driver's license na ginamit ng buyer sa transaksyon, ayon naman kay Maj. Gideon Ines, chief ng Makati police investigation unit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang naiulat ng KAMI nang kumpirmahin ng mga pulis na kidnapping ang insidente at ihayag ang ilang ebidensiya kaugnay nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel