Shoe store, bibigyan ng regalo ang batang gold medalist na tumakbong walang sapatos

Shoe store, bibigyan ng regalo ang batang gold medalist na tumakbong walang sapatos

- Nais bigyan ng sapatos ng isang shoe store sa Makati ang batang nag-viral dahil sa improvised shoe nito

- Kahit walang sapatos, nanalo pa rin ito ng ng tatlong gold medal sa iba't ibang kategorya sa pagtakbo

- Pumunta lamang daw ang bata sa "Sapatos Network sa Makati" at bibigyan nila ito ng sapatos o di kaya ay padadalhan na lamang nila ito

- Hinangaan ang dalagita at kahit na katuwaan lamang daw nila ng kanyang coach ang paglalagay ng brand sa tape na nilagay sa paa, marami pa rin ang bumilib sa galing nito sa takbuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mag-viral ng batang si Rhea Bullos ng Balasan, Iloilo, isang tindahan ng sapatos ang nais magbigay sa dalagita ng totoong pares ng rubber shoes.

Agaw eksena kasi online ang mga larawan nito na binahagi ng kanyang coach na si Predirick B. Valenzuela kung saan makikitang naka-tape lamang ang paa ni Rhea at nilagyan pa ng "brand" ito.

Bagaman at walang sapatos ang dalagita, nagkamit pa rin ito ng tatlong gintong medalya sa 400m dash elementary girls, 800m run at 1500m run.

Bumilib ang mga netizens kay Rhea na sa kabila ng kawalan ng running shoes, nagkamit pa rin ito ng karangalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman bilang regalo at nalalapit na ang kapaskuhan, hinahanap ngayon ng 'Sapatos Network Makati' ang detalye ni Rhea at bibigyan daw nila ito ng totoong "Nike" na sapatos.

Iniimbitahan nila si Rhea sa kanilang shoe store o maari naman nilang ipadala na lamang ang pares kapag nakuha na nila ang detalye ng bata.

Patunay lamang na di dahilan ang kawalan. Ang importante, alam natin kung paano natin mapapakinabangan ang ating kalakasan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel